Be Patient!

Di ko na ito kaya! Tama na! Sobra na!

Ewan ko ba kung bakit ganito na naman nararamdaman ko. Hindi ko gusto ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Minsan tinatanong ko sarili ko, kung ito ba talaga ang gusto kong gawin, o kaya mali ba ang mga naging desisyon ko at kasalanan ko din kung bakit nga ganito. Ewan! Sobrang gulo! Ito ba talaga ang plano ng Diyos sa akin o kaya plinano ko lahat ito at dahil hindi ko ginawa kung ano yung gusto niya. Ewan talaga. Ang gulo! Ang gulo ko.

Minsan naiingit ako sa ibang tao kasi sobrang ganda ng mga nangyayari sa buhay nila. Maganda trabaho nila. Galing sila sa mganadang School. Mayaman sila. Pogi. Matalino. Maganda yung family background, etc. Tapos ako ito, mukhang ewan. I feel so pathetic with my life. Huhuhuhu. Madami akong insecurities sa ibang tao, feeling ko sobrang napaka-inferior ko. Mababang klase, kaya magpakababa nalang. Mababang lebel. Hanggang dito lang kaya ko, hanggang diyan lang. lang, lang, lang!!!! Nakakabingi na talaga ito. Im about to explode! Parang di ko na kaya. Hindi ko na kaya! Tulong!!!!!!!!!!!!

Sa mga nakaraang buwan, ang daming trahedyang nangyari. Sobrang stressful at depressing. Nakaka-stress ang trabaho ko, as always. Nakaka-stress ang maglipat-lipat ng bahay every month. Nakaka-stress ang mga tao sa paligid. Na-iistress ako sa mga mababa ang moralidad, pramis! Naiistress ako pag ang isang bagay ay sinasabi nilang social norm at okay lang gawin kahit mali naman. Ayoko ng marinig ang salitang social norm nay an! Keso normal lang daw makipag-churva sa gf/bf. Normal lang daw yan at yun. Normal! Normal! Ibig bang sabihin niyan abnormal ako kasi yung mga normal daw na yun ay di ko ginagawa. At ako pa ang naging abnormal at sila ang normal. At Masaya daw sila sa ginagawa nila at sobrang proud pa sila! Gosh!Gosh! Gosh talaga! Ano ba! Kung anu-ano prinoblema ko. Feeling ko tuloy may galit na ako sa mundo.

Pero sa kabila ng lahat, alam ko parin sa sarili ko na wala akong kelangang ikainggit, wala akong kelangan ikabahala. Wala! Wala! Wala! Mas naaawa pa nga ako sa kanila kasi they are like zoobies, living but dead. That’s the confidence I have. Alam ko sa kabila ng paghihirap and everything ang Diyos parin ang nakakaalam at alam kong plano niya lahat ito upang ako mas lalong magtiwala at manampalataya sa kanya. Nasa akin na ang pinaka-importanteng bagay na kailangang makuha ng isang tao, kaligtasan. Kaligtasang konti lang ang nakakasumpong, at dun ko nakikita na sobrang mahal ako ni God, His grace is sufficient enough to sustain all my needs.
Bilang isang taong namumuhay ayon sa kagustuhan ng Diyos, tungkulin ko na makita ng ibang tao na ang Diyos ko ay totoo at buhay, kumikilos at nagliligtas. Kaligtasang nais ko rin masumpungan ng mga taong malapit sa buhay ko. Ito ang nagsisilbing encouragement ko ngayon. Motivation pa pala.

There’s nothing to worry about my life, God is at work. His plans are better than my plans. Naku Andrew wag ng mag-worry! Ikaw talaga! Tama na emo-emo. Be joyful! Be contented! Relax! Be patient! Tapisen ka ketdi dita ah! Ay kitos gayyam!

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

REwind...

GOD......does He exist??????