Posts

Showing posts from February, 2010

Noynoy: Tuloy ang laban

Image
Tuloy daw ang laban. Kaninong laban? Ni Ninoy? O ni Cory? Malay ko sa kanya. Nung nagdeklara si Noynoy na kakandidato daw siya sa pagka-presidente, ako siguro ang unang nag-react ng "BAKIT!!??". Siguro dahil na rin sa bugso ng masa at sariwa pa sa utang ng bawat mamamayan ang pagkamatay ng kanyang mahal na Ina na si dating pangulong Cory. Siguro nga dito niya naramdaman na kelangang ipagpatuloy niya ang laban ng kanyang mga namayapang mga magulang. Siguro ipinasa na ni Cory ang korono niya kay Noynoy, at si Noynoy naman masyadong atat magsuot ng korono, feeling Reyna siya siguro.hahahaha!!!! Kapag susuriin nating mabuti ang mithiin ni Noy, wala akong nakikitang bahid ng kasakiman o ano man. Nais lamang niyang maipagpatuloy ang kung ano mang nasimulan ng kanyang mga magulang. Simpleng tao lamang si Noy, hindi katulad ni Kris na saksakan ng kaartehan, pero keri naman niya pagiging maarte niya, bagay sa kanya. Nakikita ko si Noy bilang taong may integridad at may sariling panini

Erap: Ang Pagbabalik!

Image
Ang pagbabalik! Nasubukan na natin siya. Pero buksan mo mata mo, ano bang nagyari? Ano bang ginawa niya? Anong napala natin sa kanya? Wala! Mas sumikat ang jueteng at kung anu-ano ang gusto niyang gawin sa bansa natin. Ang naaala ko lang sa kanyang panunungkulan ay mga joke sa text at mga diaryo patungkol sa mga ginagawa niya at pinagsasabi. Ang dami talagang bobo sa Pilipinas, akala ko ba naman matalino tayo. Nakakahiya dahil minsan sa ating kasaysayan ay nagkaroon tayo ng ganito klase ng Presidente. Ewan ko na lang kung gusto ulit nating mangyari na naman ang nangyari sa ating bansa 9 years ago. Naku! Tama na! Kelangan narin natin sumulong at makipagsabayan sa ibang paunlad at umuunlad na bansa ating palibot. Napag-iwanan na tayo. Sa aking tingin nais lang ni Erap bumalik dahil nais niyang maghigante sa mga umalispusta sa kanya. Pagnakataon, naku kelangan na ni Singson na magtago sa kanya lunga dahil di siya tatantanan ni Erap. At si GMA, baka ipakulong din niya ito, o baka epa-rape

Manny Villar: Sipag at Tiyaga

Image
Manny Villar Campaign Song Lyrics Naging Mahirap Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-Pasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin,Tunay ka bang isa sa amin? Nalaman mo na bang mapapag-aral ka nya? Tutulungan tayo para magka-trabaho? At kanyang plano'y magka-bahay tayo? Si Villar ang tunay na mahirap. Si Villar ang tunay na may malasakit. Si Villar ang may kakayahanAt gumawa ng sariling pangalan. Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan. Malamang sa malamang memorize mo na rin ang kantang ito, na halos bingihin ka na sa kakararinig sa mga radyo. Paboritong kanta ito ngayon ng mga bata, kasu nakakarelate sila sa mga batang kumakanta. Most requested song na ito sa mga radyo at ito ay hit na hit na rin sa mga squatter community. At ginagaya na rin ng ibang kandidato. Instant hit talaga ito, naantig ang puso ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap na nagkalat sa Pilipinas. Di ko rin maikakaila na magaling ang ad

Bro. Eddie: Diyos at Bayan

Image
Kung ang pag-uusapan ay konsensiya at integridad, maari din nating ikonsidera si Bro. Eddie. Isa siya Alagad ng Diyos. Di ko maikakaila na malinis ang kanyang mithiin at motibo sa pagpasok sa pulitika. Gusto niya ng pagbabago at naniniwala siyang may pag-asa pa ang Pilipinas. TAMA! Di siya nagkakamali. Ngunit para sa akin ang isang Alagad ng Diyos ay dapat sa simbahan lang manugkulan at magsilbi, wag na sana tayong makisawsaw sa makasalanang mundo ng pulitika. Oo, maganda ang kanyang motibo ngunit paano yung mga makakasama niya na mga gahaman at walang konsensiya, magnanakaw at mga bwisit na mga kurakot. Nakakaasar talaga sa Pilipinas!Nakaka-hi-blood ang gobyerno! Sa tingin mas magiging effective si Bro. Eddie sa ibang larangan na may patungkol sa pagsisilbi sa Diyos at simbahan. Oo, ang pagpasok niya sa pulitika at ang magandang hangarin niya ay isa ring pagsisilbi sa Diyos, ngunit ang tanong ito nga ba talaga ang kagustuhan ng Diyos para sa Pilipinas at para sa kanya. Bahala na lang

Gibo Teodoro: Galing at Talino?

Image
Nung una siya ang bet ko dahil siya ay matalino at madaming alam sa pamamalakad sa gobyerno. Isang top student noong nag-aaral pa lang siya, di mo maikakaila na magaling nga siya at madaming alam. Madami na rin siyang napagdaanan sa pagsisilbi sa ating bayan, naging congressman na siya at secretary ng NDCC. Kaalyado siya ni Gloria. Yun ang isang rason kung bakit nag-dadalawang isip ako sa kanya, hindi natin alam kung ano ang balak nila ni Gloria. At itong Gloria naman na ito, na ibinoto ko pa naman nung last election, ay tatakbo daw sa kongreso sa Pampanga. Nakakapanghinala naman yata yun, parang may balak siya maging House Speaker at pag-nagkataon uurong ang cha-cha at siya nag hihirangin na Prime Minister, in the end reyna ulit siya ng Pilipinas. At baka sa susunod gagawin ng absolute monarchy ang Pilipinas at gagayahin na niya si Queen Elizabeth. Hay wag naman sana, kaya ewan ko kung iboboto ko pa si Gibo, tignan ko muna kung siya ay may integridad at paninindigan sa mga salita niya

Sino ang naiiba?

Image
Sino ang naiiba sa apat na ito? A. Yung long hair na chubby. (Peace!) B. Yung naka-genius porma o malabo lang talaga ang paningin, na singit din. (Peace!) C. Yung payat na intsik, o (Peace!) D. Yung Tall, Dark and never mind (Peace!) Sagot: D Bakit D ang sagot? Ito ang explinasyon at solusyon sa problema. Una, Lets judge them according to their Barong. Si A, halata naman mas maganda at mas mahal ang barong niya. Si B at C, pareho sila ng barong at sa pagkaka-alam ko 2,999 ang halaga ng kanilang mga barong, Onesimus ata yung tatak. Si D naman, yung barong ata niya ay pinahiram lang ni B kasi wala siyang maibili at mahiramang iba. Pangalawa, Lets judge them according sa kanilang mga mata. Si A,B at C, obvious naman singkit sila at mukhang mga intsik, samantalang D, trying hard na pinapasingkit yung mata para tumangos ng konti yung ilong niya. Panghuli, lets judge them according to their skins. Nakaka-insulto sa parte ni D na ikumpara siya kay A,B at C kasi sa picture palang halata na si

YouthAlive Connect (NLDC)

Image
YouthAlive Connect! The official social network site of NLDC- YouthAlive of Assembly of God. Here you can meet the different youth of every town, city and province in Ilocos Region. You can share photos, videos, music, create blog, chatbox and etc. Also you can create group of your local church. Ito young profiel ko. May contest kasi na padamihan daw ng activity points. Nung una kinareer kong mag-activities ngunit nakakaasar kasi grabe yung iba, ginagawang spamming ang pag-cocoment para alng dumami points nila.hahahaha.. yung iba naman halos mag-comment araw-araw sa lahat ng member.hahahaha.. tas kung anu-ano naman pinag-popost.hahaha..Isa na pala ako dun. hahahaha.. wala feel ko lang, masaya kasi makipag-asar sa iabng youth. Ito naman yung official website. Technology has its part in spreading and maintaining the bond of every christian. Lets thant the one who made the internet possible kasi with him siguro sobrang boring ng mundo, kasi di mo mararanasang makipag-chat, mag-post ng co

Mga Libangan ko ngayon.....BOOKS...BOOKS...BOOKS...

Image
"THE CHRIST COMMISSION" BY OG MANDINO Currently reading this book by Og Mandino, so far na-get-gets ko pa naman ang kwento. Di ko ma-imagine kung paano niya nasulat ang ganitong well-researched na book. Isa siyang alamat na writer, Parang alam niya lahat ng tungkol sa bible at masasabi ko, nagbabasa siya ng bible niya. Ang book na ito ay tungkol sa isang writer na si Mattias na nais gumawa ng isang book tungkol sa resurection ni Jesus. Sa kwento nito meron isang grupo na magsisilbing commission kung saan iimbestigahan nila ang mga huling araw na Jesus. Babalik sa nakaraan ang mga ito, ngunit hindi niya natapos ang nobela dahil na rin sa habang nag-reresearch siya mas naniniwala siyang ang bangkay ni Jesus ay ninakaw at itinago upang maganap ang propesiya na sinasabi niya. Dahil dito nagkaroon ng komosyon sa isang TV show kung saan siya ay guest, ang mga tao ay nagalit sa kanya sa kanyang mga binitiwang mga salita. Hindi niya alam na ang wish niyang siya mismo ang mag-imbesti

Nasusunog..........

Image
Nung wednesday last week habang nasa office ako biglang nagtext sa akin yung ka-boardmate ko ng ganito, "MONTZ! Nasusunog yung boarding house natin. Sunog na lahat ng gamit natin!". Nagreply ako sa kanya, "LOLS! Wag ka nga mag-joke busy ako....hahahaha.. Seryoso ka?". Ilang segundo lang pagkasend ko sa kanya nagreply siya, "OO!". Hindi ko alam kung sisigaw ako o iiyak, inisip ko kung sisigaw ako, di ba?, ano namang sasabihin nila sa akin sa office. Busy sila lahat sa trabaho at kung mag-iingay man ako baka masesante ako ng hindi oras, o kaya, babatakukan ako ng boss ko at palalabasin ng office. Kung iiyak naman ako, mas lalong nakakahiya, baka sabihin pa nilang OA ako at nagpapaka-emo. Kaya ang ginawa ko para mas maconfirm yung nangyari ay tumawag na lang ako sa boardmate ko. Pero ang laki ng problema ko kasi wala ako load, kaya kapalan na ng face, nakitawag ako sa officemate ko na nasa likod ko lang. Pinahiram naman niya. Lumabas ako ng office para tumawa

Unended Pain.......

Isang taon na ang lumipas nung sinabi niya sa akin na tapusin na namin ang lahat. Sariwa pa lahat ng eksena sa araw na iyon sa aking isipan, gabi-gabi ko itong iniisip at iniiyakan. Naglalaro pa sa isip ko ang mga katagang kanyang binitawan. Hindi ko parin matanggap sa aking sarili nung sinabi niya sa akin na hindi na niya ako mahal. Luha lamang ang naisagot ko sa lahat ng sinabi niya dahil hindi ako makapaniwala na ang kaligayahan ko ay dito na matatapos. “Bakit?” sabi ko sa kanya. “Bakit?”tugon niya na para bang sinasabi niya na dapat tanungin ko sa aking sarili kong bakit. Nakatulala lang ako sa kanya habang siya’y nagsasalita, parang hangin lamang ang naririnig ko sa mga pagkakataon nayun. Lahat ng sinabi niya di ko naririnig, dahil sa ingay na naririnig ko sa aking sarili. Napakalakas ng iyak ng aking puso. Parang gusto na niya tumigil sa pagtibok dahil wala ng dahilan pa para ito’y magpatuloy. Hindi ko alam kung bakit ni hindi ko man lang siya napigilan, hindi ko alam kung bakit