Posts

Showing posts from May, 2007

Happy Mother's Day!!!!!

Proverbs 31:10-12 and 25-31 A wife of noble character who can find? She is worth far more than rubies. Her husband has full confidence in her and lacks nothing of value. She brings him good, not harm, all the days of her life. She is clothed with strength and dignity; she can laugh at the days to come. She speaks with wisdom, and faithful instruction is on her tongue. She watches over the affairs of her household and does not eat the bread of idleness. Her children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her: "Many women do noble things, but you surpass them all." Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the LORD is to be praised. Give her the reward she has earned, and let her works bring her praise at the city gate.

Well, mother's day na naman....

Hindi ako yung klase ng tao na masyadong emosyunal at ganun ka expressive sa nararamdaman o sa relasyon ko sa isang tao. Ayaw ko ng mga madamdamin scene, mas lalong ayaw ko ng mga senaryong nagyayakapan at nag-iiyak. Di ko ma-imagine ang sarili ko na ma-involve sa ganung senaryo. Minsan tuloy natatanong ko sa aking sarili kung normal ba ako o sadyang manhid o kaya di lang kasi siguro ganun ka affectionate ang kinalakihan kung pamilya o di lang ako naturuang maging ganun. Well, mother's day na naman. Madami na namang mga eksenang katulad ng aking binanggit. Manood ka ng TV, puro ganun ang tema ngayon ng mga talk shows, mga nanay at anak. Nagsasabihan ng message, nagsasabihan ng kung ano-anong kaik-ikan na di naman nangyayari sa totoong buhay at higit sa lahat lumuluha habang kinakausap ang ina ng harapan. Well, mother's day na naman. Pano kaya kung gawin ko din ang mga ginagawa ng ibang mga anak sa kanilang ina. Yung tipo bang, paggising nya palang ng umaga ay lumuluha na sya sa