Posts

Showing posts from June, 2007

My 1 and onli TatAy

Nasa ispirito pa ako ng panaginip, nang biglang pumasok ang tatay ko sa medyo madilim kong kuarto. Kasama kong natulog dun ang aking bunsong kapatid, pinsan at si Nanay, na pinilit makipagsiksikan sa loob para lamang makatikim ng electric fan. Nakakatawang isipin dahil siksikan kami sa loob at halos di na sila makagalaw, pero ako, mag-isa ko sa kama, sila sa baba sila lahat. ( Supremo ako). Pumasok siya at biglang tumabi sa kapatid ko at niyakap ito...... Dahil Father's Day bukas, sa kanya ko iaalay ang post kong ito ngayon. Para suklihan din kahit papaano ang pagmamahal na inalay niya. (Meron ba ????) Nung bata ako, maliit pa ako nun (obvious ba!!!) di ko alam na siya pala ang tatay ko(siyempre wala pa ako malay) nalaman ko na lang nung mga 4 ako siguro. ( may malay na ako nun) Sa pagkakaalala ko nung bata ako, lagi akong iniiwan ng tatay ko sa lahat ng pinupuntahan namin. Lagi na lang akong naiiwang ngumunguwa at naghahanap sa kanya. Para akong isang basang sisiw na naghahanap ng