Posts

Showing posts from September, 2007

When the light came my way

Alone in the darkness No one dares to save But suddenly, a light came to me And said, “You are now free!” I cast the darkness away And put the light in my way Now, I light their way So that the light may take their way

Ang hirap pa lang wala ka…

Ang hirap pa lang wala ka… Parang mundo ko’y wala na Ganito ba talaga ang mag-isa? Walang ibang iniisip kundo makasama ka Ang hirap pa lang wala ka… Buhay ko’y walang sigla Mukha ko’y walang tuwa Pilit paring inaalala ka Ang hirap pa lang wala ka… Tawa ko’y biglang nawala Ngiti ko’y naglaho na Sabay ng paglaho mong parang bula Ang hirap pa lang wala ka… Nakaraa’y naaalala ko pa Nung’ tayo’y magkasama Sabi mo pa nga “Love you ha...” Ang hirap pa lang wala ka… Sana’y nandito ka na Para mundo ko’y sumigla na At buhay ay umikot na

Message to a Friend!!!

Friends! Asan ka na? Gusto na kitang Makita Alam mo ba miss na kita Sana’y andito ka na Friends! Andiyan ka pa ba? Hoy! Magpakita ka na Wag ka nang magtago pa Nakikita na kita Friends! Andiyan na ‘ko Sabik na sabik sayo Ikaw ayaw mo Sige ka may multo Friends! “Hello!” Say “Hi!” naman noh Galit na ‘ko sayo Ayaw mo na yata ako Friends! Sensya na ha… Mahal lang talaga kita Gusto ko lang namang patawanin ka Kahit corny na Friends! Bye na… Next time nalang ha Kukulitin na naman kita Basta ingat ka na alng ha

Paarap ka pa sa akin...

Ma-joke talaga ang buhay Inlove ako dati sa kanya, Pero ngayo'y hindi na Paano ko ba bibigyan ng buhay, Ang puso kung walang kulay Halakhak ng sawi Ang bawat tunog ng sandali Mga ulap ay pagawi Sa tuwing ako'y nasasawi, Sa Pag-ibig, ayoko ng muli Para kang rosas Sa karagata'y parang perlas Ngiti mo'y liwanag sa puso Mga mata'y 'sing kinang ng ginto Nagliliwanag sa buhay ko Ngunit anong nangyari... Puso'y nawagli Nang mga sandaling kinang mo'y nabali Tumawa ako ng malakas Mukha mo'y walang kasing malas Baliw talaga ako o torpe Mapangkutya ang sarili Dun ko lang nalaman, 'di kita mahal 'Sensya na, puso'y di bukal, Sayong pagmamahal Hahahahaha Ako'y nakakatawa Sayang lang ang sandaling nawala Kung sinubukan kong mahalin ka Di sana totoo na...

Ganyan ang buhay sa mundo...

San' man ako dalhin ng buhay kung ito Alam ko kung san' ako patutungo Pakaliwa kung minsan Pero pilit paring nagpapakanan Ganyan ang buhay sa mundo Maraming direksiyon ang tungo Basta manindigan lang sa totoo Tinitiyak ko sayo dun ka patutungo Noon ako'y nasa ibabaw Ngunit ngayo'y nasa ilaw Ilaw na nagbibigay liwanag Upang pangarap ay mabanaag Ganyan ang buhay sa mundo Dilim at Liwanag, paligsahan dito Pero kung ako sayo sa liwanag ako Dahil dun lang ang kaligayahang hanap mo

mmmmmmmm...?????!!!!!?????

One night as I was praying in my room, God called me and said, "My son, when will you accept My plans for your life?" As I heard this, I cried out and said, “My God, I don't know what I will do." I reasoned out, but still God kept on asking it again and again. Until I said, "Yes!" I cried and cried until God said, "My plans is greater than any of your plans, I know what I am doing in your life, I am your God who can give you everything, just trust Me and I will make it happen for you. Follow me and I will make your path great." Then suddenly, I was struck by a great force, it consumed me into desperation. Desperation that I should do what God wanted me to do. His presence burnt the little fire in my heart and fanned it into a mighty flame. He anointed me and prepared me to do His wills. Then God said, "My son I am sending you."

Ang lungkot ko...

Sa mga sandaling ito, di ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Di ko alam kung ano ang aking gagawin, di ko rin alam kung ano ang problema ko, di ko alam kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon, di ko alam kung bakit ang lungkot; parang may kulang sa buhay ko na ang alam ko noon ay kumpleto na at wala na akong iba pang mahihiling dahil alam kung nakumpleto na ang aking sariling wasak-wasak noon. Pero ang lungkot, kakainin na ako ng kalungkutan. Dumidilim ang aking nakikita, lahat ay walang kulay. Para bang wala ng kulay na pwedeng dumating. "Bakit nga ba?" ang tanong ko sa sarili ko, habang nakahiga sa aking kama at nakatingala sa kisameng kinain narin ng kalungkutang nanggagaling sa taong nakatingala dito. Sa buhay nating dumarating tayo sa punto na pakiramdam natin ang lungkot-lungkot, wala tayong kasama at tayo'y nag-iisa sa mundo. Walang may gustong tumulong, walang may gustong makinig at higit sa lahat walang may gustong sumaya ka. Ang kalungkutan ay d