Posts

Showing posts from January, 2007

REwind...

Madilim na ang paligid ng kuwarto ko pinatay ko na kasi ang flourescent lamp na lumiliwanag dito. Tumakbo ako papunta sa aking kama at agad nahiga.....sa pagkakahiga ko biglang nag-isip ako ng malalim tungkol sa buhay ko....ang dami na palang pinagbago, ang dami ng mga pangyayaring lumagpas lang ng lumagpas, ang daming nakaraang gustong-gustong balikan pero kahit pa tumihaya at magtatatalon di na maibabalik pa ang mga panahong nasayang. Seryoso na sana ang lahat ng bigla kong naisip na ano kaya ang gagawin ko kung pagkagising ko kina-umagahan ay June 7, 2004 at yun ang araw ng unang pasukan sa Senior year ko...whaaaa... Siguro ang isa sa mga problemang haharapin ko ay ang mga damit ko nung mga panahong ito.... ayoko ng isuot ang 8 year old kong sapatos at 10 year old na pantalon....maluluha sa inis dahil bumalik na naman ang bangungot ng sinumpaang damit. Ano kaya ang gagawin ko????? Pagpasok ko sa Klase, sisigaw ako ng malakas na malakas at sasabihing hindi na ako si MONTZ na nakila