Posts

Showing posts from May, 2006

My dream B-Day...

Ano kaya ang pakiramdam na may handa ka sa birthday mo? Ano kaya ang pakiramdam na inaawitan ka ng happy birthday? At ano kaya ang pakiramdam na ang lahat ay masaya dahil sa sangkatutak mong handa na may isang batyang spaghetti, sampung kilong pansit, isang drum ng salad at bottomless drinks. Hay naku kailan ko kaya mararanasan ang mga bagay na to? Kailan din kaya ako magkakaroon ng sangkatutak na handa at isang barangay na bisita? Di ko na iniisip ang bagay na to at nabubuwesit lang ako dahil alam ko sa sarili ko na never akong maghahanda ng engrande. Napakalungkot mang isipin hindi ko pa naranasang maghanda sa tanan ng buhay ko, di ko pa naranasa ang inawitan, di ko pa naramdaman ang kasiyahan ng may handa. Inisip ko minsan na di bale hindi naman nakakamtan sa mga materyal na bagay ang tunay na kasiyahan kahit wala ako nito ay nandun parin ang kasiyahan. Pero gumugulo sa aking isipan na "what if nga meron akong sangkatutak na handa!!!!" Eh...ano naman ngayon ma- fu-fullfill

MOntz stories

MOntz stories

Life's changes

Hala! di mo talaga namamalayan ang panahon,parang kailan lang nang musmos pa lang ako at walang malay sa mga nangyayari sa buhay at kapaligiran pero heto na ako ngayon malaki na raw at meron na ring konting isip sa buhay at higit sa lahat meron na ring direksiyon at patutunguhan. Nakakainis mang isipin pero matanda na nga ako lumipas na ang mga panahong dapat naglalaro na lang at nag-eenjoy sa buhay kasama ang mga kaibigan at kabarkada. Di ko rin man lubos matanggap na ako'y malapit nang lumagpas sa edad ng pagiging tunay na kabataan.(19 na po ako sa May 22)Sa buhay ko ngayon at sa edad ko nga dapat daw magseryoso na ako at kailangan ko nang e-establish ang magiging buhay ko sa near future. Minsan naiisip ko tuloy na bakit pa kailangang isipin ang ang hinaharap ni hindi pa nga naaayos ang kasalukuyan. Mas importante sa akin ang kasalukuyan kaisa hinaharap kasi nga lahat ng nangyayari sayo sa kasalukuyan ay ang magiging pundasyon ng iyong hinaharap. Kailangan ba talaga isipin ang m