Posts

Showing posts from November, 2009

Life in Manila (Part Two- Manila Zoo)

Image
Nung sabado nagpunta ako sa manila zoo. Perstym kung magpunta dun at abot-abot langit ang aking kasiyahan habang pa-sway-sway pa ang aking mga kamay habang naglalakad papasok sa entrance ng zoo. Pauuwi na ako nun sa boarding haws galing sa binondo kung saan ako nagsimba(sa my Chinese temple.toinkz …..hahaha). Pangarap na yata ng lahat ng bata na makapamasyal sa manila zoo. Nung bata pa ako, yung mga kalaro kong mga bata ay laging kinukuwento sa akin yun experience nila sa pamamasyal sa manila zoo nay an. Eh ako naman sobrang naiingit kasi gusto ko din makakita ng giraffe(girape), elepante, mga kamag-anak ko , ibon, buwaya( na kamukha ng kapatid ko) tapos mga ahas, ganun. Naalala ko pa yung mga kuwento nila sa mga lion at tigers, mga zebra, deer at iba pa. Minsan nangarap din ako na pagdating ng panahon ay makaka-apak din ako sa lugar na yun at meron na rin akong maipagmamalaki sa aking mga kalaro, kaibigan at kaklase. Pero lumipas na ang mga panahon at araw, nakapagtapos na ako ng coll

Life in Manila (Part One)

Image
Matagal-tagal na rin nung last akong nagkwento tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Hay, ayun ang daming nangyari, ang daming nagbago, ang daming lumipas at higit sa lahat pogi na ako (hahahaaha… wala pa rin nagbago dun). Andito na pala ako ngayon sa Manila. Nagtratrabaho sa tabi-tabi, kung saan-saan lang ganun. Tapos, ito nakakapagod din pala, nakakalungkot, pero masaya parin ako kasi nga, masayahin talaga ako. Wala akong paki sa mga pangit na nangyayari sa buhay ko, wala akong paki kahit mahulog ang langit sa lupa, kahit manalo pa si Erap bilang president, kahit mamatay si Edward Cullens, kahit mas gwapo daw si Jacob sa kanya. Wala akong paki kung naghiwalay na si Angel Locsin at Luis, kahit pa may sampung anak na daw si Manny Pakyaw kay Krista, kahit si Aling Dionisia na daw ang papalit kay Kris Aquino sa SNN. Hay, ang importante dapat masaya ako. Napag-usap na din lang naman natin ang kasiyahan, sige magkukuwento ako ng mga masasayang karanasan ko dito sa pagtira ko sa Manila. Una, n