Room 107

Sa kailaliman ng gabi, isang pamilyar na tunog ang umaalingawngaw sa madilim na kwarto katapat ng kwartong aking tinutuluyan. Patay na lahat ng ilaw, at tanging ilaw na lamang na naggagaling sa isang lamparang nasa ibabaw ng mesa sa may kusina. Patuloy parin sa pag-alingawngaw ang isang tunog na parang hirap na hirap, isang tunog na nanggagaling sa ilalim ng puso, tunog ng isang nasaktan ng labis, isang tunog ng pangungulila. Nais ko sanang tumayo at pasukin ang silid na iyon ngunit takot ang nanaig sa aking pakiramdam, kaya hinayaan ko na lamang na magpatuloy ito kahit na alam ko at ng ibang kasamahan namin na ito'y isang abala sa lahat ng tahimik na ang mundo.


Isang linggo pa lamang mula ng lumipat ang bago naming boardmate. Sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang tipo ng lalaki na parang walang humpay kung tumawa at magpakasaya. Maganda ang disposisyon niya sa buhay, lagi siyang nakangiti sa tuwing makakasalubong mo siya sa labas ng kwarto. Wala pa akong masyadong alam sa kanya, ni hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya, kung saan ang probinsya niya, kung saan siya nagtatrabaho. Maaga siyang umaalis ng bahay, siya rin ang pinakamaagang gumising sa aming lahat. Dahil sa kasarapan palang ng aking tulog ay naririnig ko na ang kayuskos ng kanyang mga galaw na para bang nagmamadaling matapos na ang lahat. Paalis na siya kapag gumigising na ako, kaya di ko pa siya ganun nakakausap at natatanong sa mga bagay-bagay sa kanyang buhay.



Ngunit pagsumasapit na ang gabi, habang ang lahat ay tahimik ng nagpapahinga saka naman siya mambubulabog sa kanyang malakas na pag-iyak. Sobrang nakaka-weirdo ang taong ito, kung anu-ano tuloy ang naiisip namin sa kanya. Keso baka nag-da-drugs, o kaya nag-mamarijuana, o di naman kaya sinasapihan, o higit pa dun isa siya baliw. Ewan. Ngunit sa bawat tunog ng kanyang pag-iyak ay isang pakiramdam ang aking nasasagap mula dito, isang naghihinagpis na tao. Mararamdaman mo ang lungkot, isang kalungkutang unti-unting dumudurog sa taong ito. Na nagsumasamo sa isang tulong, nagsumasamo sa isang bayaning magliligtas sa kanya.


Ngunit sa gabing ito,parang tahimik yata siya. Mga kayuskos at paggalaw lamang ang aking naririnig. Masaya ako sa kanya dahil sa unang gabing yun ay di mo maririnig sa kanya ang pamilyar ng tunog na bumabalot sa amin pagsumasapit ang gabi. Mukhang masaya na siya ulit. Mukhang nasolusyonan na ang kung ano mang problema niya. Ngunit sa pagdilim at paglalim ng gabi sakto pang bilog na bilog ang buwan, isang tunog ng natumbang upuan ang gumising sa buong kabahayan. Agad akong tumayo at hinanap kung saan ang bagay na yun ngunit wala akong nakita. Nakita ko ang pintuan ng kwarto sa tapat namin na bahagyang nakabukas, naglakas loob akong pumasok upang sana ay tanungin kong dito ba yung natumbang upuan ngunit walang nagsasalita upang sagutin ang aking tanong. Nakabukas ang ilaw dito kaya di na ako nagdalawang isip na pumasok na lang at baka sakaling gising din siya.


Binuksan ko ng tuluyan ang pintuan, ngunit laking gulat ko dahil ang tumambad sa king mga mata ay isang lalaking nakabitin na sa kisame, nakatali ang leeg at ang upuang sinasadalan nito ay tumba na. Ito na yung tunog na gumising sa aming lahat. Lumuhod ako at nanlumo sa aking nakita, nakita ko sa mga mata niya ang pagkatalo. Siya na ngayon ay kinain na ng dragon na sumira sa kanya. Isang dragon na gusto rin tayong patayin at angkinin.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

REwind...

GOD......does He exist??????