Posts

My dream B-Day...

Ano kaya ang pakiramdam na may handa ka sa birthday mo? Ano kaya ang pakiramdam na inaawitan ka ng happy birthday? At ano kaya ang pakiramdam na ang lahat ay masaya dahil sa sangkatutak mong handa na may isang batyang spaghetti, sampung kilong pansit, isang drum ng salad at bottomless drinks. Hay naku kailan ko kaya mararanasan ang mga bagay na to? Kailan din kaya ako magkakaroon ng sangkatutak na handa at isang barangay na bisita? Di ko na iniisip ang bagay na to at nabubuwesit lang ako dahil alam ko sa sarili ko na never akong maghahanda ng engrande. Napakalungkot mang isipin hindi ko pa naranasang maghanda sa tanan ng buhay ko, di ko pa naranasa ang inawitan, di ko pa naramdaman ang kasiyahan ng may handa. Inisip ko minsan na di bale hindi naman nakakamtan sa mga materyal na bagay ang tunay na kasiyahan kahit wala ako nito ay nandun parin ang kasiyahan. Pero gumugulo sa aking isipan na "what if nga meron akong sangkatutak na handa!!!!" Eh...ano naman ngayon ma- fu-fullfill...

MOntz stories

MOntz stories

Life's changes

Hala! di mo talaga namamalayan ang panahon,parang kailan lang nang musmos pa lang ako at walang malay sa mga nangyayari sa buhay at kapaligiran pero heto na ako ngayon malaki na raw at meron na ring konting isip sa buhay at higit sa lahat meron na ring direksiyon at patutunguhan. Nakakainis mang isipin pero matanda na nga ako lumipas na ang mga panahong dapat naglalaro na lang at nag-eenjoy sa buhay kasama ang mga kaibigan at kabarkada. Di ko rin man lubos matanggap na ako'y malapit nang lumagpas sa edad ng pagiging tunay na kabataan.(19 na po ako sa May 22)Sa buhay ko ngayon at sa edad ko nga dapat daw magseryoso na ako at kailangan ko nang e-establish ang magiging buhay ko sa near future. Minsan naiisip ko tuloy na bakit pa kailangang isipin ang ang hinaharap ni hindi pa nga naaayos ang kasalukuyan. Mas importante sa akin ang kasalukuyan kaisa hinaharap kasi nga lahat ng nangyayari sayo sa kasalukuyan ay ang magiging pundasyon ng iyong hinaharap. Kailangan ba talaga isipin ang m...

Kuya!!!!!!

"Kuya,plus five po.","Kuya, internet nga PO.", "Kuya, may playstation po kayo?", "Kuya, pa-print...", "kuya!", "Kuya...",haaaaaaaaaaah, "puro na lang kuya, kuya dyan, kuya dito, sawang-sawa na ako sa katatawag niyo sakin ng kuya, I'm only 18 years old at mag-se-second year College pa lang ako this coming sem. Ang kakapal ng mukha niyong tawagin akong kuya, tingnan niyo nga yang mga itsura niyo mas matanda pa sa akin." Ito ang mga katagang gusto kong isigaw sa kanila. Araw-araw ito ang aking naririnig ,siguro kung bibilangin magsimula sa kinauupuan ko ngayon hanggang sa pag-alis ko dito ay umaabot na sa mahigit na isang libo."KUYA...", sounds insulting sa katulad kong mas bata pa sa mga tumatawag. Tuloy napapatingin ako sa salamin sa harapan ng computer o kaya binubuksan ko ang webcam at tinitingnan ko kung mas matanda ang mukha ko o mas matanda ang tumatawag sa kin ng kuya. Napaka-common na sa akin ang...

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Sa lahat ng pagkakataong ang pinag-uusapan ay tungkol sa pag-aaral lagi ko na lang na-e-encounter ang isa sa tanong na sobrang kong iniiwasan,"BAKIT I.T. ANG KINUHA MO?" Sa tuwing natatanong ito ng mga kaibigan ko, kapamilya at kung sino-sino pa ay palagi na lang tumitigil ang utak ko at at para bang ayaw sagutin ang katanungang yun. Ano bang paki-alam nila sa course ko at sino ba sila para kuwestiyunin ang napili kong kurso. Masyado akong paranoid sa kuwestiyun na to na kong di ko pipigilan ang sarili ko ay puro sugat na ang mukha ng nagtatanong. By the way, bakit nga ba ako nag-I.T.? Sa aking pagkakaalam sa aking sarili at isipan, kinuha ko ang kursong ito dahil....mmmmmm....sa totoo lang kasi di ko rin talaga alam...basta naramdaman ko na lang na may nag-lead sa akin na force at yun kinuha ko na sya...Baka isipin niyo namang di ko na pinag-isipan actually oo, di nga ,kasi naman masyado akong tuliro that time. Kung formality lang naman ang pinag-uusapan at kung naitat...

Our Trip to Boguibog...

Image
Sa Kinmangasieb falls po 2... PA-cute sa may falls... katatapos lang ata ng exhibition ng aming Pastor d2 My Memorable Hiking at Boguibog... Hay naku after 4 years... Ngayon lang ako ulit nakabalik sa Ilocos Sur at take note it's my second time na mamasyal dun.... Di ko lubos akalain na ako'y muling makakabalik sa lugar na yun lalo na ang isa sa pinakahistorical na place d2 sa pilipinas ang siyudad ng Vigan at mga ibat- ibang bayan pa sa Ilocos Sur. April 5, 2006 ng madaling araw kami nagbiyahe at talaga namang very excited ang lahat lalo na ako na first time kong pupunta sa origin ng aming mahal na Pastor ang baryo ng boguibog,salcedo ilocos sur. Mmmmm... Sa una palang na rinig ko sa pangalan ng pupuntahan namin ay inexpect ko na na medyo malayo- layo or i should say grabe sa sobrang layo, or in short malayo sa kabihasnan. Sa pagkakarinig ko sa mga kuwento ng mga nakapunta na dun ay, ang baryong ito ay located sa paanan ng bundok na kong saan pinalilibutan ng mga naggagandahan...