Unended Pain.......

Isang taon na ang lumipas nung sinabi niya sa akin na tapusin na namin ang lahat.

Sariwa pa lahat ng eksena sa araw na iyon sa aking isipan, gabi-gabi ko itong iniisip at iniiyakan. Naglalaro pa sa isip ko ang mga katagang kanyang binitawan. Hindi ko parin matanggap sa aking sarili nung sinabi niya sa akin na hindi na niya ako mahal. Luha lamang ang naisagot ko sa lahat ng sinabi niya dahil hindi ako makapaniwala na ang kaligayahan ko ay dito na matatapos. “Bakit?” sabi ko sa kanya. “Bakit?”tugon niya na para bang sinasabi niya na dapat tanungin ko sa aking sarili kong bakit. Nakatulala lang ako sa kanya habang siya’y nagsasalita, parang hangin lamang ang naririnig ko sa mga pagkakataon nayun. Lahat ng sinabi niya di ko naririnig, dahil sa ingay na naririnig ko sa aking sarili. Napakalakas ng iyak ng aking puso. Parang gusto na niya tumigil sa pagtibok dahil wala ng dahilan pa para ito’y magpatuloy.

Hindi ko alam kung bakit ni hindi ko man lang siya napigilan, hindi ko alam kung bakit wala ako ginawa, hindi ko alam kung bakit siya umalis dahil ang alam ko lang wala na siya. Tapos na lahat…… wala ng dahilan para mabuhay pa.

Sobrang minahal ko siya. Sa kanya ko lang naramdaman ang lahat ng kaligayahan. Akala ko nung una, wala ng katapusan ito. Siya na ang nais kong makasama sa buong buhay ko. Alam ko din sa sarili ko na mahal niya ako, wala akong pagdududa dun. Dumating siya sa buhay ko sa pagkakataong ako’y nangangailangan ng pagmamahal at pagtanggap. Tinanggap niya ako ng buo at walang pagdududa. Minahal niya ako at hindi niya inisip ang nakaraan ko. Mahal niya ako.
Sobrang mahal niya ako. Sobrang mahal ko din siya. Hindi ko inaakala na darating kami sa puntong tutuldukan na naming ang lahat. Doon ko naramdaman na para talagang guguho ang mundo ko. Para bang nawalan ng kulay ang paligid ko. Naging sobrang tahimik ng mundo ko.
Isang taon na ang lumipas ngunit parang kahapon lang ito nangyari. Nararamdaman ko parin ang sakit, sakit na patuloy parin akong pinapahirapan at ikinukulong sa madilim na selda ng aking buhay. Mahal ko parin siya.

Naramdaman din niya kaya ang lahat ng paghihirap na naranasan ko? Nasaan na kaya siya ngayon? Kumusta na kaya siya ngayon? Wala na akong balita sa kanya. Ni hindi ko na rin siya mahagilap sa kanila, dahil araw-araw akong dumadaan sa bahay nila pag-umuuwi ako sa’min.
Namiss din niya kaya ako?
Heto ako ngayon, patuloy ko parin siyang minamahal kahit alam kong wala ng patutunguhan lahat ng ginagawa kong pagmamahal sa kanya. Umaasa parin ako na sana masagot na ang tanong kung “Bakit?”. Kelan kaya matatapos ang pag-iyak ko? Kelan kaya? Hanggang kelan pa?
Sana ngayon na……..

*ito’y imbento lamang ni Montz at hindi totoong nangyari sa kanya buhay….. Nagpapaka-emo lang ngayong Valentines kasi wala siya date…hahahaha

Comments

  1. Anonymous8:54 AM

    happy heart's day to everyone!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life in Manila (Part One)