Bro. Eddie: Diyos at Bayan
Kung ang pag-uusapan ay konsensiya at integridad, maari din nating ikonsidera si Bro. Eddie. Isa siya Alagad ng Diyos. Di ko maikakaila na malinis ang kanyang mithiin at motibo sa pagpasok sa pulitika. Gusto niya ng pagbabago at naniniwala siyang may pag-asa pa ang Pilipinas. TAMA! Di siya nagkakamali. Ngunit para sa akin ang isang Alagad ng Diyos ay dapat sa simbahan lang manugkulan at magsilbi, wag na sana tayong makisawsaw sa makasalanang mundo ng pulitika. Oo, maganda ang kanyang motibo ngunit paano yung mga makakasama niya na mga gahaman at walang konsensiya, magnanakaw at mga bwisit na mga kurakot. Nakakaasar talaga sa Pilipinas!Nakaka-hi-blood ang gobyerno!
Sa tingin mas magiging effective si Bro. Eddie sa ibang larangan na may patungkol sa pagsisilbi sa Diyos at simbahan. Oo, ang pagpasok niya sa pulitika at ang magandang hangarin niya ay isa ring pagsisilbi sa Diyos, ngunit ang tanong ito nga ba talaga ang kagustuhan ng Diyos para sa Pilipinas at para sa kanya. Bahala na lang ang Diyos kung anong paraan ang gagawin niya sa ating lahat, kahit sino man ang maging lider ng ating bansa, ang mahalaga ay bilang isang indibidual dapat alam din natin ang ating mga mithiin at responsibilidad sa bansang ito at sa ating kapwa. Ang pagbabago ay nasisimula sa atin din lang at hindi sa mga pinunong ang hangarin lang ay mabago ang antas nila sa buhay at magpayaman. Di ko naman nilalahat, basta vote visely. Kanya kanyang trip lang yan. Kaya dapat ayusin natin trip natin dahil sa ating lang din nakasalalay ang pagbabago ng ating bansa.
Comments
Post a Comment