Mga Libangan ko ngayon.....BOOKS...BOOKS...BOOKS...

"THE CHRIST COMMISSION" BY OG MANDINO
Currently reading this book by Og Mandino, so far na-get-gets ko pa naman ang kwento. Di ko ma-imagine kung paano niya nasulat ang ganitong well-researched na book. Isa siyang alamat na writer, Parang alam niya lahat ng tungkol sa bible at masasabi ko, nagbabasa siya ng bible niya.

Ang book na ito ay tungkol sa isang writer na si Mattias na nais gumawa ng isang book tungkol sa resurection ni Jesus. Sa kwento nito meron isang grupo na magsisilbing commission kung saan iimbestigahan nila ang mga huling araw na Jesus. Babalik sa nakaraan ang mga ito, ngunit hindi niya natapos ang nobela dahil na rin sa habang nag-reresearch siya mas naniniwala siyang ang bangkay ni Jesus ay ninakaw at itinago upang maganap ang propesiya na sinasabi niya. Dahil dito nagkaroon ng komosyon sa isang TV show kung saan siya ay guest, ang mga tao ay nagalit sa kanya sa kanyang mga binitiwang mga salita.

Hindi niya alam na ang wish niyang siya mismo ang mag-imbestiga sa mga nangyari ay nagkatotoo. Nagising siya nasa bahay siya ni Joseph ng Arimatea kung saan si Josepg ang mag-ga-gide sa kanya sa kanyang imbestigasyon.

Hanggang diyan palang nababasa ko. Pagnatapos ko na ikukuwento ko sa inyo ang buong pangyayari. Ano kaya ang mangyayari kay Mattias sa pag-iimbestiga niya, mahahanap pa niya ang totoong kasagutan sa mga tanong niya o mas lalong magugulo ang isipan nito? Ako din excited na itong tapusin, kaya dapat matapos ko na.

"NOT EVEN A HINT: GUARDING YOUR HEART AGAINST LUST" BY JOSHUA HARRIS

"Not even a hint:guarding your heart against lust", yan ang title ng next na book pagnatapos ko na yung The Christ's Commission ni Og Mandino.

Ano naman kaya ang tungkol sa book na ito? I have already read yung I kissed dating goodbye ni Joshua Harris, sobrang na-bless ako kasi it helps me to have a godly perspective of a relationship. Isang biblical na pananaw tungkol sa panliligaw na maari kung magamit sa tamang panahon. Yeah!

Sa Title palang magkakaroon ka na ng idea kung ano at saan ang maaring lamanin ng book na ito. Well, siguro nga kelangan ko ang librong ito sa mga panahong ito.hahahaha... pwede ba? Masesermunan ata ako ng librong ito. LOLS.....

MANGA MESSIAH
Nakita ko na ito dati pero di ko pinansin dahil akala ko ginawang anime yung kwento ni Jesus. Yung tipong makikipaglaban siya sa mga Sadducess na gagamitan niya ng ray-gun o kaya ay hami-kami wave.hahahaha.
Naaliw lang ako sa cover niya, tapos tagalog pa yung language kaya binili ko siya. Babasahin ko rin ito after kung mabasa ang librong The Chrsit's Commission at Not even a hint.






Ang dami kung librong nasunog nung kelan, nakakaasar kasi yung iba dun di ko pa nababasa. Nabili ko yung mga yun sa book sale kasi mura lang. From now on, babasahin ko na lahat ng binibili ko tas bibili pa ako ng mas marami para sumaya buhay ko.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life in Manila (Part One)