Posts

Showing posts with the label Lessons

Nasusunog..........

Image
Nung wednesday last week habang nasa office ako biglang nagtext sa akin yung ka-boardmate ko ng ganito, "MONTZ! Nasusunog yung boarding house natin. Sunog na lahat ng gamit natin!". Nagreply ako sa kanya, "LOLS! Wag ka nga mag-joke busy ako....hahahaha.. Seryoso ka?". Ilang segundo lang pagkasend ko sa kanya nagreply siya, "OO!". Hindi ko alam kung sisigaw ako o iiyak, inisip ko kung sisigaw ako, di ba?, ano namang sasabihin nila sa akin sa office. Busy sila lahat sa trabaho at kung mag-iingay man ako baka masesante ako ng hindi oras, o kaya, babatakukan ako ng boss ko at palalabasin ng office. Kung iiyak naman ako, mas lalong nakakahiya, baka sabihin pa nilang OA ako at nagpapaka-emo. Kaya ang ginawa ko para mas maconfirm yung nangyari ay tumawag na lang ako sa boardmate ko. Pero ang laki ng problema ko kasi wala ako load, kaya kapalan na ng face, nakitawag ako sa officemate ko na nasa likod ko lang. Pinahiram naman niya. Lumabas ako ng office para tumawa...