Posts

Showing posts with the label election

Noynoy: Tuloy ang laban

Image
Tuloy daw ang laban. Kaninong laban? Ni Ninoy? O ni Cory? Malay ko sa kanya. Nung nagdeklara si Noynoy na kakandidato daw siya sa pagka-presidente, ako siguro ang unang nag-react ng "BAKIT!!??". Siguro dahil na rin sa bugso ng masa at sariwa pa sa utang ng bawat mamamayan ang pagkamatay ng kanyang mahal na Ina na si dating pangulong Cory. Siguro nga dito niya naramdaman na kelangang ipagpatuloy niya ang laban ng kanyang mga namayapang mga magulang. Siguro ipinasa na ni Cory ang korono niya kay Noynoy, at si Noynoy naman masyadong atat magsuot ng korono, feeling Reyna siya siguro.hahahaha!!!! Kapag susuriin nating mabuti ang mithiin ni Noy, wala akong nakikitang bahid ng kasakiman o ano man. Nais lamang niyang maipagpatuloy ang kung ano mang nasimulan ng kanyang mga magulang. Simpleng tao lamang si Noy, hindi katulad ni Kris na saksakan ng kaartehan, pero keri naman niya pagiging maarte niya, bagay sa kanya. Nakikita ko si Noy bilang taong may integridad at may sariling panini...

Erap: Ang Pagbabalik!

Image
Ang pagbabalik! Nasubukan na natin siya. Pero buksan mo mata mo, ano bang nagyari? Ano bang ginawa niya? Anong napala natin sa kanya? Wala! Mas sumikat ang jueteng at kung anu-ano ang gusto niyang gawin sa bansa natin. Ang naaala ko lang sa kanyang panunungkulan ay mga joke sa text at mga diaryo patungkol sa mga ginagawa niya at pinagsasabi. Ang dami talagang bobo sa Pilipinas, akala ko ba naman matalino tayo. Nakakahiya dahil minsan sa ating kasaysayan ay nagkaroon tayo ng ganito klase ng Presidente. Ewan ko na lang kung gusto ulit nating mangyari na naman ang nangyari sa ating bansa 9 years ago. Naku! Tama na! Kelangan narin natin sumulong at makipagsabayan sa ibang paunlad at umuunlad na bansa ating palibot. Napag-iwanan na tayo. Sa aking tingin nais lang ni Erap bumalik dahil nais niyang maghigante sa mga umalispusta sa kanya. Pagnakataon, naku kelangan na ni Singson na magtago sa kanya lunga dahil di siya tatantanan ni Erap. At si GMA, baka ipakulong din niya ito, o baka epa-rape ...

Manny Villar: Sipag at Tiyaga

Image
Manny Villar Campaign Song Lyrics Naging Mahirap Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-Pasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin,Tunay ka bang isa sa amin? Nalaman mo na bang mapapag-aral ka nya? Tutulungan tayo para magka-trabaho? At kanyang plano'y magka-bahay tayo? Si Villar ang tunay na mahirap. Si Villar ang tunay na may malasakit. Si Villar ang may kakayahanAt gumawa ng sariling pangalan. Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan. Malamang sa malamang memorize mo na rin ang kantang ito, na halos bingihin ka na sa kakararinig sa mga radyo. Paboritong kanta ito ngayon ng mga bata, kasu nakakarelate sila sa mga batang kumakanta. Most requested song na ito sa mga radyo at ito ay hit na hit na rin sa mga squatter community. At ginagaya na rin ng ibang kandidato. Instant hit talaga ito, naantig ang puso ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap na nagkalat sa Pilipinas. Di ko rin maikakaila na magaling ang ad...

Bro. Eddie: Diyos at Bayan

Image
Kung ang pag-uusapan ay konsensiya at integridad, maari din nating ikonsidera si Bro. Eddie. Isa siya Alagad ng Diyos. Di ko maikakaila na malinis ang kanyang mithiin at motibo sa pagpasok sa pulitika. Gusto niya ng pagbabago at naniniwala siyang may pag-asa pa ang Pilipinas. TAMA! Di siya nagkakamali. Ngunit para sa akin ang isang Alagad ng Diyos ay dapat sa simbahan lang manugkulan at magsilbi, wag na sana tayong makisawsaw sa makasalanang mundo ng pulitika. Oo, maganda ang kanyang motibo ngunit paano yung mga makakasama niya na mga gahaman at walang konsensiya, magnanakaw at mga bwisit na mga kurakot. Nakakaasar talaga sa Pilipinas!Nakaka-hi-blood ang gobyerno! Sa tingin mas magiging effective si Bro. Eddie sa ibang larangan na may patungkol sa pagsisilbi sa Diyos at simbahan. Oo, ang pagpasok niya sa pulitika at ang magandang hangarin niya ay isa ring pagsisilbi sa Diyos, ngunit ang tanong ito nga ba talaga ang kagustuhan ng Diyos para sa Pilipinas at para sa kanya. Bahala na lang ...

Gibo Teodoro: Galing at Talino?

Image
Nung una siya ang bet ko dahil siya ay matalino at madaming alam sa pamamalakad sa gobyerno. Isang top student noong nag-aaral pa lang siya, di mo maikakaila na magaling nga siya at madaming alam. Madami na rin siyang napagdaanan sa pagsisilbi sa ating bayan, naging congressman na siya at secretary ng NDCC. Kaalyado siya ni Gloria. Yun ang isang rason kung bakit nag-dadalawang isip ako sa kanya, hindi natin alam kung ano ang balak nila ni Gloria. At itong Gloria naman na ito, na ibinoto ko pa naman nung last election, ay tatakbo daw sa kongreso sa Pampanga. Nakakapanghinala naman yata yun, parang may balak siya maging House Speaker at pag-nagkataon uurong ang cha-cha at siya nag hihirangin na Prime Minister, in the end reyna ulit siya ng Pilipinas. At baka sa susunod gagawin ng absolute monarchy ang Pilipinas at gagayahin na niya si Queen Elizabeth. Hay wag naman sana, kaya ewan ko kung iboboto ko pa si Gibo, tignan ko muna kung siya ay may integridad at paninindigan sa mga salita niya...