Gibo Teodoro: Galing at Talino?


Nung una siya ang bet ko dahil siya ay matalino at madaming alam sa pamamalakad sa gobyerno. Isang top student noong nag-aaral pa lang siya, di mo maikakaila na magaling nga siya at madaming alam. Madami na rin siyang napagdaanan sa pagsisilbi sa ating bayan, naging congressman na siya at secretary ng NDCC. Kaalyado siya ni Gloria.

Yun ang isang rason kung bakit nag-dadalawang isip ako sa kanya, hindi natin alam kung ano ang balak nila ni Gloria. At itong Gloria naman na ito, na ibinoto ko pa naman nung last election, ay tatakbo daw sa kongreso sa Pampanga. Nakakapanghinala naman yata yun, parang may balak siya maging House Speaker at pag-nagkataon uurong ang cha-cha at siya nag hihirangin na Prime Minister, in the end reyna ulit siya ng Pilipinas. At baka sa susunod gagawin ng absolute monarchy ang Pilipinas at gagayahin na niya si Queen Elizabeth. Hay wag naman sana, kaya ewan ko kung iboboto ko pa si Gibo, tignan ko muna kung siya ay may integridad at paninindigan sa mga salita niya. Sayang ang talino kung gagamitin lang sa kung anu-ano. Isa siyang puppet ng MalacaƱang, isang sunod-sunuran, isang alipin. Peace Gibo!

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life in Manila (Part One)