Noynoy: Tuloy ang laban



Tuloy daw ang laban. Kaninong laban? Ni Ninoy? O ni Cory? Malay ko sa kanya.

Nung nagdeklara si Noynoy na kakandidato daw siya sa pagka-presidente, ako siguro ang unang nag-react ng "BAKIT!!??". Siguro dahil na rin sa bugso ng masa at sariwa pa sa utang ng bawat mamamayan ang pagkamatay ng kanyang mahal na Ina na si dating pangulong Cory. Siguro nga dito niya naramdaman na kelangang ipagpatuloy niya ang laban ng kanyang mga namayapang mga magulang. Siguro ipinasa na ni Cory ang korono niya kay Noynoy, at si Noynoy naman masyadong atat magsuot ng korono, feeling Reyna siya siguro.hahahaha!!!!

Kapag susuriin nating mabuti ang mithiin ni Noy, wala akong nakikitang bahid ng kasakiman o ano man. Nais lamang niyang maipagpatuloy ang kung ano mang nasimulan ng kanyang mga magulang. Simpleng tao lamang si Noy, hindi katulad ni Kris na saksakan ng kaartehan, pero keri naman niya pagiging maarte niya, bagay sa kanya. Nakikita ko si Noy bilang taong may integridad at may sariling paninindigan sa buhay. Sana hindi ako nagkakamali dito.
Malay natin sa panahong ito ay magampanan na niya ang kung anong pinangarap at ipinaglaban ng kanyang mga magulang sa panahong ito. Malay natin, mabawi na ng Pilipinas ang koronang ninakaw ng mga taong umalipusta at nagtangkang babuyin ang ating mahal na Bayan.

Sana siya na ang lider na ating hinihintay at mag-aahon sa atin sa pagkakalugmok sa putikang walng katapusang hinihila tayo sa kailaliman ng kadiliman.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life in Manila (Part One)