Nasusunog..........

Nung wednesday last week habang nasa office ako biglang nagtext sa akin yung ka-boardmate ko ng ganito, "MONTZ! Nasusunog yung boarding house natin. Sunog na lahat ng gamit natin!". Nagreply ako sa kanya, "LOLS! Wag ka nga mag-joke busy ako....hahahaha.. Seryoso ka?". Ilang segundo lang pagkasend ko sa kanya nagreply siya, "OO!".





Hindi ko alam kung sisigaw ako o iiyak, inisip ko kung sisigaw ako, di ba?, ano namang sasabihin nila sa akin sa office. Busy sila lahat sa trabaho at kung mag-iingay man ako baka masesante ako ng hindi oras, o kaya, babatakukan ako ng boss ko at palalabasin ng office. Kung iiyak naman ako, mas lalong nakakahiya, baka sabihin pa nilang OA ako at nagpapaka-emo. Kaya ang ginawa ko para mas maconfirm yung nangyari ay tumawag na lang ako sa boardmate ko. Pero ang laki ng problema ko kasi wala ako load, kaya kapalan na ng face, nakitawag ako sa officemate ko na nasa likod ko lang. Pinahiram naman niya. Lumabas ako ng office para tumawag, pero hindi ko mapindot yung mga keys kasi sobrang nanginginig ako at nilalamig, para akong isang pagong na hinahabol ang isang cheetah, pero na-dial ko rin sa wakas. Nagring yung cp niya. Pagkasagot niya ng tawag ko, isang narinig ko sa kanya. Isang malaking bungangang umiiyak na para bang walang ng bukas pang darating, hindi na sisikat ang araw at higit sa lahat wala na akong isusuot bukas. Tinanong ko siya kung anong nangyari, pero ito lang sinagot niya, "Umuwi ka na dalihan mo!". Sumagot ako, "Sige pupunta na ako."





Tumigil ang ikot ng mundo ko, naging gray ang kulay ng paligid at nakita ko ang bawat dumadaan sa kin ay parang nag-eeslowmo habang nakatingin sa akin at nagtataka kung bakit ganun na lamang ang itsura ko. Para akong lumulutang sa hangin, parang gusto kong magdisappear na nalang na parang bula o kaya'y maging usok na lamang ako. Huminto ang mga sandali, gumilid sa aking mga mata ang bunga ng pakiramdam na aking nadadama, pinigil kong tumulo ito upang di ako pagtawanan ng mga tao sa aking paligid. Huminga ako ng malalim, at gusto ko'y mahulog na lamang ako sa lalim dito at dalhin ako sa kaiwalan. Huminga ulit ako ng malalim, sa pagkakataong ito'y nagbalik na sa normal na posisyon ang lahat ng bagay, nasa realidad na naman ako. Pumasok ako sa opisina at sinabi sa kasama ko na totoong nasunog ang aking mahal na tirahan. Napayoko na lamang ako sa aking mesa habang pinapakalma ko ang aking sarili. Humugot ako ng lakas upang panlaban sa mga pang-aaping aking tatamasahin. Kumuha ako ng kapangyarihan sa aking sarili upang ako'y mabuhay sa pagkakamatay.

Pagkalipas ng mga ilang sandali, nagsilapitan na ang aking mga kasama sa opisina upang tanungin kung anong problema ko, sumagot ako ng nanginginig pa ang aking boses, "Nasunog daw boarding house namin." "ANO!" sagot nila. Hindi na ako umimik dahil gusto ko ng katahimikan sa mga oras na yun. Nagpakalma muna ako bago ako umuwi sa aming boarding house, dahil ayaw ko namang mahimatay ako sa daan habang papunta doon. Dinaan ko na lang sa tawa ang lahat na para bang ayos lang lahat ng nangyari. Pero sa likod nito'y isang kalungkutang nais akong lupigin at ikulong sa nanggagalaiti nitong mga halimaw.

Dumating ako sa boarding house ng mga ala-una ng hapon. Tapos na ang sunog. Tapos na lahat. Tinapos na niya lahat. Nakita ko silang lahat na nagbabakasali sa mga pwede pang mapakinabangang mga gamit. Naupo na lang ako sa isang gilid habang pinagmamasdan ko silang lahat. Sa mga mata nila'y isang kalungkutang tumatawa sa pagkawagi. " Wala na lahat!" sambit ng isa, "Okay lang yan MONTZ, makakabawi din tayo."sabi rin nung isa. Nanlumo ako sa mga nakita kong mga gamit ko, ito ay ang mga prutas ng lahat ng aking mga paghihirap. Isang pangarap na nakamit ngunit inabo ng kapalaran. Kapalarang, nagsusumigaw at gustong tanungin kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Naapula na ang sunog. Dineklara na itong okey, pero kailan man hindi ito okey sa akin. Gusto kong manisi. Gusto kong hanapin ang mga batang nagsimula ng sunog at pagsasakalin ko sila. Gusto ko silang pagalitan. Gusto ko silang iuntog. Pero, para saan pa? May mangyayari pa ba? Maibabalik ko ba lahat ng gamit ko pag-nasakal ko sila? Yayaman ba ako kung susunugin ko rin sila? Siyempre hindi.

Dito ko na-realize na lahat ng bagay sa mundo ay nawawala. Bagay man ito o tao, hayop man o pera. Kotse man o computer. Lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan, maging ang buhay natin ay tutunton sa kanyang katapusan. Lahat ng naipundar ko ay nawala at gayun din pwede rin mawala ang mga naipundar ng lahat na tao. Bakit pa kailangan nating mag-impok ng mga bagay na matatapos lang din? Mga bagay na nagdudulot ng pansamantalang kaligayahan ngunit sa huli ay isang kalungkutan naghihintay sa dulo nito. Lahat ng nawala sa akin ay mga biyayang ibinigay sa akin ng Diyos at siya rin ang may karapatan kung babawiin na niya ito o gusto pa niyang ipagamit sa atin. Ito'y mga hiram lamang. At natitiyak ko na ang bawat bagay na nawawala ay napapalitan. Alam kong darating ang araw at ang lahat ng nawala ay maibabalik din at mas higit pa. Dito ko din natutunan na mas mahalagang tayo'y mag-invest sa mga bagay na walang hanggan. Isa itong alarm clock sa akin upang gisingin ako sa aking pagkakatulog. Masyado na akong nag-eenjoy sa pagkakatulog.

Sa mga pagkakataong ganito, dito rin natin nalalaman kung sino ang mga totoong kaibigan. Kaibigang handang dumamay at tumulong. Mga taong mayroong mabubuting loob upang iaabot nila ang kanilang mga kamay upang magsilbing tulong sa pagkakahulog na aking naranasan. Dito ko nakita ang katapatang ng Diyos sa kanyang mga pangako. Isa itong biyayang karanasan. Isang biyayang nagkubli sa isang karahasan.

Bakit ako mababahala? Bakit ako magmumukmok? Kelangan bang magpaka-emo? Masyadong masaya ang buhay upang gawin mo itong miserable. Masyado itong maganda upang magmukmuk ka lang sa gilid at gumawa ng wala. Madami pang bukas na darating. Madami pang pagsubok na kailangang paghandaan. Madami pang biyayang darating. Madami pa!

*Nakakaasar nasunog yung paborito kong damit, pero okey lang may bago na akong paboritong damit. Salamat sa lahat ng tumulog. Godbless you all. I'm still accepting donations. (hahahaha) text niyo lang ako.

Comments

  1. Anonymous4:25 PM

    Nakakatrauman pala ang masunugan..kaya ingat-ingat lang tayo...

    ReplyDelete
  2. Anonymous2:28 PM

    hahaha... kaya mo yan... mababawi mo rin lahat ng nasunog..... cheer up

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life in Manila (Part One)