Manny Villar: Sipag at Tiyaga



Manny Villar Campaign Song Lyrics
Naging Mahirap


Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?
Nag-Pasko ka na ba sa gitna ng kalsada?
Yan ang tanong namin,Tunay ka bang isa sa amin?


Nalaman mo na bang mapapag-aral ka nya?
Tutulungan tayo para magka-trabaho?
At kanyang plano'y magka-bahay tayo?


Si Villar ang tunay na mahirap.
Si Villar ang tunay na may malasakit.
Si Villar ang may kakayahanAt gumawa ng sariling pangalan.
Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan.

Malamang sa malamang memorize mo na rin ang kantang ito, na halos bingihin ka na sa kakararinig sa mga radyo. Paboritong kanta ito ngayon ng mga bata, kasu nakakarelate sila sa mga batang kumakanta. Most requested song na ito sa mga radyo at ito ay hit na hit na rin sa mga squatter community. At ginagaya na rin ng ibang kandidato. Instant hit talaga ito, naantig ang puso ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap na nagkalat sa Pilipinas. Di ko rin maikakaila na magaling ang advertising plan ni Villar. Two Thumbs up!

Dahil dito umaarangkada siya ngayon sa survery, bumper to bumper na ang gitgitan nila ni Noynoy. Nakukuha na ni Villar ang damdamin ng masa dahil sa mga kaek-ekan niyang ginagawa at dahil na naman dito, na-paparanoid na ang mga katunggali niya kaya kung anu-ano kaek-ekan na ang pinapalabas nila kay Villar, na keyso isa isang trapo, magnanakaw at kung anu-ano pa.

Saludo nga naman ako sa katagumpayan na nangyari kay Villar from squatter to bilyonaryo, dahil sa kanyang kasipagan daw at pagtitiya. Pero sabi ng isa kung kakilala, yumaman lang naman daw siya dahil mayaman ang napangasawa. Ewan kung totoo. Basta ganun daw.

Maganda naman ang motibo ni Villar katulad din ng iba, nais din niya ng pagbabago at makatulong sa mga mahihirap. Maganda kung maganda pero hindi natin alam kung ito nga ba ay tunay o panluluko lang ulit, lagi na lang tayong niluluko ng ating gobyerno, ginagawa tayong mga bulag at sunod-sunuran. Pero nasa atin parin ang desisyon kung iluluklok natin siya o ihuhulog. Tignan natin lahat ng angulo. Matuto tayong maging mapanuri. Vote Noynoy!

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life in Manila (Part One)