Noynoy: Tuloy ang laban

Tuloy daw ang laban. Kaninong laban? Ni Ninoy? O ni Cory? Malay ko sa kanya. Nung nagdeklara si Noynoy na kakandidato daw siya sa pagka-presidente, ako siguro ang unang nag-react ng "BAKIT!!??". Siguro dahil na rin sa bugso ng masa at sariwa pa sa utang ng bawat mamamayan ang pagkamatay ng kanyang mahal na Ina na si dating pangulong Cory. Siguro nga dito niya naramdaman na kelangang ipagpatuloy niya ang laban ng kanyang mga namayapang mga magulang. Siguro ipinasa na ni Cory ang korono niya kay Noynoy, at si Noynoy naman masyadong atat magsuot ng korono, feeling Reyna siya siguro.hahahaha!!!! Kapag susuriin nating mabuti ang mithiin ni Noy, wala akong nakikitang bahid ng kasakiman o ano man. Nais lamang niyang maipagpatuloy ang kung ano mang nasimulan ng kanyang mga magulang. Simpleng tao lamang si Noy, hindi katulad ni Kris na saksakan ng kaartehan, pero keri naman niya pagiging maarte niya, bagay sa kanya. Nakikita ko si Noy bilang taong may integridad at may sariling panini...