Ang hirap pa lang wala ka…
Ang hirap pa lang wala ka…
Parang mundo ko’y wala na
Ganito ba talaga ang mag-isa?
Walang ibang iniisip kundo makasama ka
Ang hirap pa lang wala ka…
Buhay ko’y walang sigla
Mukha ko’y walang tuwa
Pilit paring inaalala ka
Ang hirap pa lang wala ka…
Tawa ko’y biglang nawala
Ngiti ko’y naglaho na
Sabay ng paglaho mong parang bula
Ang hirap pa lang wala ka…
Nakaraa’y naaalala ko pa
Nung’ tayo’y magkasama
Sabi mo pa nga “Love you ha...”
Ang hirap pa lang wala ka…
Sana’y nandito ka na
Para mundo ko’y sumigla na
At buhay ay umikot na
Comments
Post a Comment