"Life is a journey, it can take you anywhere you choose to go." Real stories from the life of Montz. Spritual Life. Personal Life. Political Views. And anything under the sun.
When the light came my way
Get link
Facebook
X
Pinterest
Email
Other Apps
Alone in the darkness No one dares to save But suddenly, a light came to me And said, “You are now free!”
I cast the darkness away And put the light in my way Now, I light their way So that the light may take their way
Matapos ang isang taon at dalawang buwan ng masigasig na paghihintay ay sa wakas maisusuot ko na ang ID na ito. Di ko alan kun matutuwa ako o mag- iinarte sa ID na ito, akalain mo ba naman kasing susuyurin mo ang sangkatutak na pintuan bago ka makarating sa iyong patutunguhan, ang iyong desk. Kung nakalimutan mo ito, gudluck! Use the buzzer sa bawat pintuan at pasalamat ka na lang kung may mabuting samaritano na magkukusa upang pagbuksan ka.
Manny Villar Campaign Song Lyrics Naging Mahirap Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-Pasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin,Tunay ka bang isa sa amin? Nalaman mo na bang mapapag-aral ka nya? Tutulungan tayo para magka-trabaho? At kanyang plano'y magka-bahay tayo? Si Villar ang tunay na mahirap. Si Villar ang tunay na may malasakit. Si Villar ang may kakayahanAt gumawa ng sariling pangalan. Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan. Malamang sa malamang memorize mo na rin ang kantang ito, na halos bingihin ka na sa kakararinig sa mga radyo. Paboritong kanta ito ngayon ng mga bata, kasu nakakarelate sila sa mga batang kumakanta. Most requested song na ito sa mga radyo at ito ay hit na hit na rin sa mga squatter community. At ginagaya na rin ng ibang kandidato. Instant hit talaga ito, naantig ang puso ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap na nagkalat sa Pilipinas. Di ko rin maikakaila na magaling ang ad...
Sa kailaliman ng gabi, isang pamilyar na tunog ang umaalingawngaw sa madilim na kwarto katapat ng kwartong aking tinutuluyan. Patay na lahat ng ilaw, at tanging ilaw na lamang na naggagaling sa isang lamparang nasa ibabaw ng mesa sa may kusina. Patuloy parin sa pag-alingawngaw ang isang tunog na parang hirap na hirap, isang tunog na nanggagaling sa ilalim ng puso, tunog ng isang nasaktan ng labis, isang tunog ng pangungulila. Nais ko sanang tumayo at pasukin ang silid na iyon ngunit takot ang nanaig sa aking pakiramdam, kaya hinayaan ko na lamang na magpatuloy ito kahit na alam ko at ng ibang kasamahan namin na ito'y isang abala sa lahat ng tahimik na ang mundo. Isang linggo pa lamang mula ng lumipat ang bago naming boardmate. Sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang tipo ng lalaki na parang walang humpay kung tumawa at magpakasaya. Maganda ang disposisyon niya sa buhay, lagi siyang nakangiti sa tuwing makakasalubong mo siya sa labas ng kwarto. Wala pa akong masyadong alam sa kanya...
Comments
Post a Comment