Ang lungkot ko...

Sa mga sandaling ito, di ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Di ko alam kung ano ang aking gagawin, di ko rin alam kung ano ang problema ko, di ko alam kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon, di ko alam kung bakit ang lungkot; parang may kulang sa buhay ko na ang alam ko noon ay kumpleto na at wala na akong iba pang mahihiling dahil alam kung nakumpleto na ang aking sariling wasak-wasak noon. Pero ang lungkot, kakainin na ako ng kalungkutan. Dumidilim ang aking nakikita, lahat ay walang kulay. Para bang wala ng kulay na pwedeng dumating. "Bakit nga ba?" ang tanong ko sa sarili ko, habang nakahiga sa aking kama at nakatingala sa kisameng kinain narin ng kalungkutang nanggagaling sa taong nakatingala dito.

Sa buhay nating dumarating tayo sa punto na pakiramdam natin ang lungkot-lungkot, wala tayong kasama at tayo'y nag-iisa sa mundo. Walang may gustong tumulong, walang may gustong makinig at higit sa lahat walang may gustong sumaya ka. Ang kalungkutan ay dumarating sa mga pagkakataong di natin inaasahan, maaring ngayon, mamaya, bukas, sa susunod na buwan o taon o sa susunod na sampung taon. Ito ang sumisira sa atin ng unti-unti, para tayo ay matalo at kainin ng malakas na puwersa na nanggagaling sa kalungkutang ating nararamdam. Ito rin ang magdudulot sa atin upang ang tiwala natin sa mga tao at sa Diyos ay mawala at masira. Napakahirap labanan ng kalungkutan, ngunit kapag di mo ito malalabanan ikaw ay parang isang talunang wala man lang depensang ginawa kundi ang maghintay at tumunganga habang ang kalungkutan ay nagpapakasasa sa pagtalo sa iyo.

Oo, kailangang may gawin tayo upang matalo natin ang kalungkutan sumisira sa atin. Kailangang di tayo talunan, kailangan nating manalo dito.

Ngunit sa mga sandaling ito isa lang ang aking alam. Yun ay ang Diyos lamang ang mapagbibigay sa aking ng kasiyahang aking nais matamo. Kasiyahang tatalo at wawasak sa kalungkutang aking nararamdaman.

"Bigyan niyo po ako ng lakas para aking mapagtagumpayan kung ano man itong aking nararadaman ngayong kalungkutan, problem o ano man, kayo po ang tumulong sa akin upang ang mga ito’y mapalitan ng kasiyahan. Salamat po dahil alam kung kayo po ang gagawa ng paraan para ako po'y di mawasak o masiran man lang nito."



Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Paarap ka pa sa akin...

matthew 6:25-34