ICT da' best!!!

Hindi man ako nag-aaral sa school ng pinakamalaking mag-produce (daw????) ng IT sa buong Asia, masasabi ko namang hindi malaking pagkakamali na mag-transfer ako sa Pangasinan State University. ....huh....

Galing ako dati sa ABE Business School (daw??), sabi noong nag-i-inquire pa lang ako, ang ABE ay daw ay accredited ng ibat-ibang business school around the world, andyan ang CISCO, ABE UK, Microsoft....at kung anu-ano pa dyang may Corporation sa huli. Mas lalo pa akong na-engganyo na meron daw kaming makukuhang diploma galing UK pag-kagraduate.....Talaga namang abot-abot ang aking magka-bilib sa school na ito......At isa pa, sosyal ang uniform para kang Businessman sa Makati at talo mo pa ang mga trabahador sa Panelco III... Oo, masakit mang amining nabilog nila ang aking ulo, at masyado akong nagpadala sa kanilang Marketing Strategies(bilib din ako sa kanilang mga marketers....galing mag-sinungaling..)..hehehe....



At yun nga agad akong nag-enrol na di iniisip na ganun pala kalaki at kalula ang aming Tuition Fee....kala ko study now pay later pero 13,000+ agad ang TF.....huh..... di ko rin masyadong prinoblema yun kasi nga international ang school namin and in return naman daw sa quality education na maibibigay nila ay nararapat lang din na medyo mahal ang TF.....


Unang araw ng pasukan, pumasok ako (obvious ba!!!) unang sumalubong sa amin ang isa sa pinakamabait na Prof. si Ma'am Dean (tawag namin sa kanya). Kahit medyo malaki ang katawan niya ay bibilib ka naman sa laki ng utak niya...."Aba, matalino si madam.." yan ang mga katagang nasabi ko.. Totoo namang matalino sya...no doubt.... Dumating ang ikalawang araw, tatlo, apat, at lima...pero napansin kong siya na lang palagi ang aming prof.....Siya ang Prof. ko sa Psycho, P.E, Tourism I, Euthenics, at pati na rin sa NSTP.... sabi ko nun...dami namang major ni Ma'am.... Nakalipas ang isang buwan dalawa at mahigit...pero nagtataka na ako..... siya parin....yun pala nag-ha-hire pa lang sila ng ibang Instructor kasi ala ding nagtatagal na Teacher dun .....kasi naman ang lakas ng power ng mga studz na magpatanggal.....


Lumipas ang isang sem at yun, the quality education that they have promised to us is not met.. Oo, di ko naramdaman ang may kalidad na edukasyon dahil na rin siguro sa mga na hire na prof. na pinag-practisan lang kami... huh... Lumipas at lumipas ang mga araw at nagtiis lang ako nang nagtiis.... May mga classmate akong nagsisi-alisan na, pero may iba namang still pa rin ang bilib..... pero ako di ko na makayanan ang mahal na TF.... Natapos ang pangatlong sem ng aking kursong kinuha (HRM), sinabi ko sa aking sarili "tama na, sobra na".


Yun nga at bakasyon na, yung huling araw kong tumapak sa school ay yun na rin ang mga huling araw ng aking presensya sa school... hehehe.... di na ako nagpakita...kahit may utang pa akong mahigit 20K.....hehehe.....(baka kasuhan ako ng Estafa)....


Ilang buwan din akong nagkaroon ng mild depression dahil iniisip kong mahuhuli na ako ng isang taon sa mga ka-batch ko....dahil na rin sa wala akong balak kumuha ng mga accreditation para maka-pagtransfer sa ibang school..labis kong dinibdib ang aking sitwasyon... feeling ko noon di na ako makakapag-aral dahil yung card ko ay hawak nila..... pero di ako nawalan ng pag-asa at solusyon sa'king problema....... isa lang ang na-isip ko that time...ang magsinungaling na nawala ang aking card at kailangan kong kumuha ng second copy para maipakita ko sa papasukan kong school.... Nagsinungaling nga ako........pinablater ko pa kuno sa Police station at siningil pa ako ng P20 na dapat ay libre.... Bumalik ako sa school ko nung high school at kinuha ko nga sa registrar yun second copy.....pinabalik ako kinabukasan kasi kakalkalin pa nila sa kanilang archive ang mga records ko...


At last nakuha ko na nga ang aking inaasam-asam na card, pero ang problema san ako mag-eenrol....wheee..... Sa sobrang pag-iisip at pagpili ng school ay naabutan na ako ng pasukan.... kaya sinabi sa akin na sa PSU na lang daw ako enrol...pero sabi ko baka di ko kayanin ang Math subject dun (Mathematical Moron ako).. Pero no choice na rin, kaya nagpunta ako dun nag-take ng entrance exam at yun pasado!!!!! Nag-enrol nga ako at second week na ng pasukan nung nakapasok ako.


"The Pangasinan State University shall provide professional and technical training in the arts, sciences, humanities and technology, conduct scientific research and technological studies, and community services. " mission....


"A dynamic, self-reliant, and productivity-driven institution of higher learning recognized as a center of excellence in professional studies and technical training, with distinctive competence and leadership in research and community service. " vision...


Ang mga katagang ito ang pinanghahawakan ng PSU, at di ko maikakaila na totoo ang mga ito.

ICT ang kinuha kong kurso, sa una'y "no choice " pero ngayon "good choice". Di ko pinagsisihan ang aking mga desisyon dahil alam kong will yun ni God para sa akin....at sa mga panahong yun mas lalo akong nagtiwala at nakinig sa kanyang mga kagustuhan...


Da best talaga ang PSU...aztig.... pero mukhang tatanda ako dun....hehehehe...


PANGASINAN STATE UNIVERSITY

EASTERN CLUSTER

Comments

  1. Anonymous12:43 AM

    hehehehe! nice story... school op bisness nga un kung ganun... school ng mga may malalaking businesses!

    Oh well, hindi ka naman siguro aabutin ng isang siglo sa ICT... Kaya nyo yan! ako nga kinakaya eh. Goodluck!

    ReplyDelete
  2. shane2:51 PM

    da best talaga ang IT sa PSU... proud graduate of that school...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Life in Manila (Part One)