Kuya!!!!!!

"Kuya,plus five po.","Kuya, internet nga PO.", "Kuya, may playstation po kayo?", "Kuya, pa-print...", "kuya!", "Kuya...",haaaaaaaaaaah, "puro na lang kuya, kuya dyan, kuya dito, sawang-sawa na ako sa katatawag niyo sakin ng kuya, I'm only 18 years old at mag-se-second year College pa lang ako this coming sem. Ang kakapal ng mukha niyong tawagin akong kuya, tingnan niyo nga yang mga itsura niyo mas matanda pa sa akin." Ito ang mga katagang gusto kong isigaw sa kanila.

Araw-araw ito ang aking naririnig ,siguro kung bibilangin magsimula sa kinauupuan ko ngayon hanggang sa pag-alis ko dito ay umaabot na sa mahigit na isang libo."KUYA...", sounds insulting sa katulad kong mas bata pa sa mga tumatawag. Tuloy napapatingin ako sa salamin sa harapan ng computer o kaya binubuksan ko ang webcam at tinitingnan ko kung mas matanda ang mukha ko o mas matanda ang tumatawag sa kin ng kuya.

Napaka-common na sa akin ang ganitong setup, lalo pa at ako ay nasa counter ng isang computer shop na nag-sa-sideline, halos bingiin ako sa kakatawag ng kuya sa mga taong mas mukhang matanda naman sakin.Siguro nga talagang matanda na ako sa aking itsura, tuloy niyan masyado na akong concious sa aking itsura sa tuwing may lumalapit sa akin baka tawagin akong kuya ulit.

Minsan naiisip ko, na pagtatawagin pa ako ng kuya ng mga taong mas matanda naman talaga sa kin ay gusto kong sabihin na tumingin muna sila sa salamin bago nila ako tawaging kuya o kaya dadalhin ko ang original copy ng aking birth certificate at ihahampas sa kanilang mga mukha. Kung ano-ano ng naiisip kong paraan para hindi lang nila akong tawaging kuya, naisip ko pa minsan na baka sobrang stress lang talaga ako kaya minsan lang naman siguro nag-mumukha akong matanda sa kanila.(inom na lang kaya ako ng stresstab...)

Basta sa puso't isipan ko mas bata ako sa kanila at mas matanda sila sa kin. kahit minsan sobrang na-o-offend ako sa pagtawag nila sa akin eh, kung titignan naman talaga sa itsura di hamak naman na mas bata ako kaysa sa kanila, lamunin nila ang mga pangit nilang mukha, o di lang kaya nila ma-accept na mas matanda sila sa akin kay ni-ri-reverse nila ang katotohanan...hehehe...basta ang natutunan ko lang dito ay huminahon, "costumer is always right..." ika nga nila kaya ginagalang ko kung ano man ang sabihin nila sa kin basta ang katotohanan ang mas mahalaga at yun ay mas Bata ako sa kanila.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life's changes