Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Sa lahat ng pagkakataong ang pinag-uusapan ay tungkol sa pag-aaral lagi ko na lang na-e-encounter ang isa sa tanong na sobrang kong iniiwasan,"BAKIT I.T. ANG KINUHA MO?" Sa tuwing natatanong ito ng mga kaibigan ko, kapamilya at kung sino-sino pa ay palagi na lang tumitigil ang utak ko at at para bang ayaw sagutin ang katanungang yun. Ano bang paki-alam nila sa course ko at sino ba sila para kuwestiyunin ang napili kong kurso. Masyado akong paranoid sa kuwestiyun na to na kong di ko pipigilan ang sarili ko ay puro sugat na ang mukha ng nagtatanong.

By the way, bakit nga ba ako nag-I.T.? Sa aking pagkakaalam sa aking sarili at isipan, kinuha ko ang kursong ito dahil....mmmmmm....sa totoo lang kasi di ko rin talaga alam...basta naramdaman ko na lang na may nag-lead sa akin na force at yun kinuha ko na sya...Baka isipin niyo namang di ko na pinag-isipan actually oo, di nga ,kasi naman masyado akong tuliro that time.

Kung formality lang naman ang pinag-uusapan at kung naitatanong sa essay ang katanungang ito, ito ang aking kasagutan "Nowadays, we are living in a world where all things are driven by computers and all people are craving for more easier ways of living through technology. Taking this course will enable me to further enhance my abilities, talents and skills in this field of technology, this perhaps my key to unlock the close doors of undiscovered things in our technology."Ito ang aking kasagutan para lang tumaas ang aking score. Yan na yun...

Pero sa totoo lang, di naman yun totoo ek-ek ko lang yun no para may maisagot lang. Kung aking e-e-evaluate ang aking performance sa aking kurso ay di naman ganun ka worse gaya ng iba, nakakapasa pa naman ako sa isa sa pinakamahirap na subject namin ang PROGRAMMING. Nung 1st sem ang grade ko ay 2.50 at nung 2nd sem ay 3.00, not bad na yun di gaya ng iba na puro bagsak..hehehe.

Kinuha ko ang IT ng wala man lang akong totoong rason kung bakit ko sya kinuha, kahit di naman talaga yun ang aking kagustuhan at ninanais ng aking puso ay ito mag-se-second year regular na ako this coming sem and hopefully throughout sa buong 4 years na pag-aaral ko ay regular parin. At kakayanin ko yun lahat sa tulong ng aking tagapagligtas..Lastly, nagagamit ko na rin pala mga napag-aralan ko d2 kasi nag-sa-sideline ako sa Net shop ng aming pastor at take note may nagpapatutor pa..hehe..ganyan na ako ngayon sosyal pero hanggang kailan ko kaya kakayaning saguting kung bakit I.T. ang kinuha ko.

Comments

Popular posts from this blog

ICT da' best!!!

Life in Manila (Part One)