Our Trip to Boguibog...





Sa Kinmangasieb falls po 2...


PA-cute sa may falls...


katatapos lang ata ng exhibition ng aming Pastor d2


My Memorable Hiking at Boguibog...


Hay naku after 4 years... Ngayon lang ako ulit nakabalik sa Ilocos Sur at take note it's my second time na mamasyal dun.... Di ko lubos akalain na ako'y muling makakabalik sa lugar na yun lalo na ang isa sa pinakahistorical na place d2 sa pilipinas ang siyudad ng Vigan at mga ibat- ibang bayan pa sa Ilocos Sur. April 5, 2006 ng madaling araw kami nagbiyahe at talaga namang very excited ang lahat lalo na ako na first time kong pupunta sa origin ng aming mahal na Pastor ang baryo ng boguibog,salcedo ilocos sur.
Mmmmm... Sa una palang na rinig ko sa pangalan ng pupuntahan namin ay inexpect ko na na medyo malayo- layo or i should say grabe sa sobrang layo, or in short malayo sa kabihasnan. Sa pagkakarinig ko sa mga kuwento ng mga nakapunta na dun ay, ang baryong ito ay located sa paanan ng bundok na kong saan pinalilibutan ng mga naggagandahang falls at kung ano-ano pang kakaibang tanawin..
Bantang ika pito ng umaga ng april 5 kami nakarating sa unang destinasyon namin, ang siyudad ng Candon na katatapos palang magdiwang ng kalamay festival( by the way, in fairness na rin sa kanila masarap ang kalamay period..no comment)dun kami unang bumaba at yun na rin ang una kong pagkakataon na makatapak sa siyudad na to. Actually there's nothing so important sa destinasyon naming ito, kumain lang kami ng breakfast, nagpahinga at nag-chikahan to the max. yun lang.. ah meron pala first time kong pumasok sa greenwich at kumain ng pearl coolers na buko pandan flavoured. (hehehe sounds unbelievable pero wag kayong maingay totoo yun.) after namin dun ay naglakad lakad kami sa market, tumingin ng mga makakain at mga tanawin( ala naman). At pagbalik namin sa Assembly of God church na nasa likuran lang ng Dominion Bus line station ay napag-desisyunan ng iba naming kasama (except me ha!) na kami ay magpupunta sa (tantannan!!! )VIGAN! di ako makapaniwala na babalik pa ako sa lugar na yan( kala niyo may bad experience ako dun ..wala ah OA lang talaga akong mag-react). At yun nga pagkatapos naming mananghalian ay agad-agad kaming nagpunta dun. ( di na ako kuwento dun kasi sa boguibog ang climax ng story ko.)
7: 30 na ng gabi kami nakabalik sa Candon mula sa Vigan , pagbaba namin mula sa Van ay diretso na kami agad sa mesa at ng siyesta.( halos buong araw yun lang ata ginawa ko ,ang LUMAMON.) Ang sarap ng kinain namin at obviously sa isang katulad kong timawa to the highest level ang kinain ko.. hehe. At akala ko na makakapagpahinga na kami dahil ala pa akng tulog mula kagabi at akala ko ay bukas na kami pupunta sa tunay namiong destinasyo sa BOGUIBOG. Hayon at pagkatapos naming kumain at the fact pa na super busog ako ay biglaan nilang sinabi na kami ay pupunta na dun kasi nga malayo-layo pa daw ang biyahe at malayo-layo pa raw ang lalakarin namin bukas kaya kailangan nandun na kami as soon as possible. at yun nga tumulak na kami papunta sa origin place ng aming Pastor.
Sa una ay enjoy pa naman ako sa mga nakikita ko at nararamdaman kong excitement , pero medyo nagtataka na ako kasi halos isang oras na naming nagbibiyahe sa mga bato-batong daan at ilang ilog na rin ang dinaanan ng super jeep na sinakyan namin pero puro black at bundok parin ang nakikita ko.(kasi walang bahay at di ako sure wala rin yatang kuryente). Ganun kalayo ang lugar na ito ,di ko nga sure kung nasa Map pa ba ito o undiscovered place ba ito. Super paranoid na ako that time at kung ano-ano ng naiisip ko at sumasagi sa aking musmos na utak.(musmos?) At di ko na makaya ang sobrang alikabok na ina -absorb ng aking mukha at ilong (for sure puro kulangot na laman ng ilong ko).
Medyo maingay na sa likuran ng jeep( sa harapan kasi ako umupo) naririnig ko silang nagsasabi ng malapit na pero kanina pa nilang sinasabi na malapit lang pero anong petsa na mag- te-ten na yata ng gabi pero yan at nakasakay parin ako sa jeep. Ay after 48 years of traveling at 48 years ng pagsakay sa jeep ay ito na totoo nato nasa boguibog na kami napakalaking patunay ng batong sign na nakasulat ay "Welcome to Boguibog!" at sa likuran nito ay "Thank You come again!". Yan ang mga patunay na nasa lugar na iyon na nga kami. Lubos-lubos ang aking kagalakan dahil sabi nila "after a storm eventually a rainbow appears" at excited na akong makita ang rainbow na sinasabi nila.( ang rainbow d2 ay matalinghagang salita baka i- literal niyo.) At yun nga nandun na kami. yun na yun..hehe. joke lang madami pa.
Pagdating namin dun ay agad kong inayos ang aking sarili baka sabihin naman nilang galing kami sa bariotic place dahil sa mga ayos namin at itsura ng mukha namin. At Dahil narin sa sobrang pagod at sobrang dami ng aming pinasyalan ay di na kinaya ng aking katawan, pagkatapos kong maligo ay agad na akong natulog (kahit di masyadong komportable dahil matigas ang papag) ay nakatulog parin ako ng mahimbing.
Kinaumagahan, (ito na ang climax ng trip namin). Lahat ay napaka-excited ko dahil kami ay mag-ha-hiking at manghuhuli ng isda sa ilog, na kailangan mo pang lakarin ng mahigit na isang oras. Di ko na inisip kung gaano ito kalayo basta sa dulo nito ay ang rainbow na kailangan kong makita. Inihanda ko na ang aking gamit sa paglalakad, inilagay ko sa aking bag ang aking damit, tubig, brief at makakin. At kami ngay nagsimula ng maglakad kasama ang iba pa naming kasama galing sa lugar na iyon. Habang naglalakad ay, andiyan ang biruan, kuwentuhan at kung ano-anong pag-uusap, sa tuwing kami'y ay makakakita ng magandang lugar o tanawin ay agad-agad kaming nag-po-pose at automatic na ang cameraman namin sa pag-sha-shot.(by the way tig P200,000 pala gamit namin cam, sobrang mahal). Sa aming paglalakad, di ko inaasahan ang isang pangyayaring babago sa aking buhay at pagtingin ng aking mga kasama sa akin. Lubos kong di makakalimutan ang pangayayaring ito sa tanan ng buhay ko, ito ang nagbigay ng kahihiyan sa aking pagkatao at dignidad. Sa mga oras na yon gusto kong mapag-isa at magsarili sa kahihiyang aking nadama, di ko kinaya ang pangyayaring iyon at sa halip na umiyak at sumigaw sa sobrang sakit ay tumawa na lang ako ng malakas na para bang walang nangyari at hangin lang ang dumapo.(nahulaan niyo na ba ang nangyari sa akin). another clue. Sa mga sandaling yun kasi ay ginagaya ko ang bawat tapak ng aming Pastor sa mga batuhan.(diba you should follow your leaders?)(tama ba?).
Dahil narin siguro sa katangahan ko at kawalan ng attention sa aking nilalakaran ay nangyari sakin ang pinaka-exagg na dapa sa buong buhay ko. Sa una akala ko kasi matitisod lang ako sa bato at di na tutumbay, pero sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala, at yun nga nangyari ang pinanakakahiyang dapa sa buhay ko. Pasalamat na lang sila kasi di nagdilim ang paningin ko baka masakal ko silang lahat dahil pinagtawanan nila ako.( i just controlled myself na hindi magalit at magsisigaw kung nagkagayon baka duguan silang lahat).
At katulad nga ng mga napapanood sa mga teledrama, pagkatapos madapa ng bida ay buong tapang nitong hinaharap ang mga consequences ng kanyang pagkadapa. Ako'y buong tapang na tumayo at hinarap ang tawanan at kantiyawan ng aking mga kasama na sa halip ay tinulungan ako sa aking pagkadapa.(Ok lang yun literal na dapa naman di naman dapa ng buhay).
Nakarating kami sa aming paroroonan na di ko man lang natatanaw ang rainbow na aking inaasam.


*di lahat ng kuwento ay nagtatapos sa mga magagandang pangyayari. Ang di- magandang katapusan ay nagbubukas naman sa mas magandang pagkakataon at mas matagumpay na paglalakbay.

Comments

  1. Anonymous2:46 PM

    hahaha.. yup correct you should follow your leader.... go lang ng go

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!

Life's changes