Life in Manila (Part Two- Manila Zoo)





Nung sabado nagpunta ako sa manila zoo. Perstym kung magpunta dun at abot-abot langit ang aking kasiyahan habang pa-sway-sway pa ang aking mga kamay habang naglalakad papasok sa entrance ng zoo. Pauuwi na ako nun sa boarding haws galing sa binondo kung saan ako nagsimba(sa my Chinese temple.toinkz …..hahaha).

Pangarap na yata ng lahat ng bata na makapamasyal sa manila zoo. Nung bata pa ako, yung mga kalaro kong mga bata ay laging kinukuwento sa akin yun experience nila sa pamamasyal sa manila zoo nay an. Eh ako naman sobrang naiingit kasi gusto ko din makakita ng giraffe(girape), elepante, mga kamag-anak ko , ibon, buwaya( na kamukha ng kapatid ko) tapos mga ahas, ganun. Naalala ko pa yung mga kuwento nila sa mga lion at tigers, mga zebra, deer at iba pa. Minsan nangarap din ako na pagdating ng panahon ay makaka-apak din ako sa lugar na yun at meron na rin akong maipagmamalaki sa aking mga kalaro, kaibigan at kaklase. Pero lumipas na ang mga panahon at araw, nakapagtapos na ako ng college and everything pero kahit entrance ng zoo di ko pa natatapakan. Huhuhu. So pathetic, kasi isa lang ibig sabihin nun ulit, nagsusumigaw ng kapulubihan. Wala kaming kakayahan ng pamilya ko na makapagmuni-muni sa mga ganun klaseng mga lugar, eh taga probinsya pa kami, mamamasahe pa kami papuntang manila, kaya let those dreams be kept to its proper place, sa isang garapon ng mga pangarap na kailan man hindi talaga pwede(period).




After ng graduation ko, nakipagsapalaran na rin ako dito sa manila upang makahanap ng maayos na trabaho. Apply, exam, interview, thank you, apply ulit. Ganun lang ang naging routine ng pag-aapply ko. Nakakadepress at disappoint, pero okey lang yun, go lang ng go, kasi alam ko sa sarili ko at highest level ang confidence ko na makakahanap din ako, kasi nga diba, di naman ako pababayaan ni God na magpakahirap at mag-suffer, o kung mag-sa-suffer man pansamatala lang yun at test of faith(whee!!!), alam ko na napakaganda ng mga plano niya, at dun lang ako naka-focus, let those negative electrons be out of my life.(heheheheh).

Back to Manila zoo, unang hakbang ko palang sa lugar na yun, naramdaman ko na ang isang mabigat na pakiramdam. Nararamdaman ko kung paano naghihirap ang mga kaawa-awang mga hayop, nakita ko sa mga mata nila ang kalungkutan. Kalungkutang nagpapahina sa kanilang mga katawan at pagkahayop. Isa itong malungkot na lugar para sa akin, kahit ang mga tao at mga bata ay nagsisiyahan dahil sa kanila, kahit madaming mga tao ang nag-eenjoy, kahit sa paningin natin ay masasaya ang mga hayop habang sila ay ating pinagmamasdan, ngunit ang mga akala nating ito ay mali. Dahil ang katotohan ay sila ang pinakamalulungkot na mga nilalang sa mundo. Sila ang mga nilalang na nailayo sa kanilang mga kapwa-hayop. Mga nilalang na nabubuhay sa apat na sulok ng mundo. Sa isang rehas. Sa isang kulungan.


Oo, sila’y mga bilanggo. Bilanggong nagmamakaawang makalabas. Mga bilanggo nais makalaya at masilayan ang totoong mundo nila. Ang kagubatan ito ang kanilang tahanan. Dito sila dapat mamuhay at magpakarami. Pero tayong mga tao na mas mataas sa kanila, ay ating inaabuso at inaapi. Ginagawa natin silang mga alipin ng ating mga kasiyahan. Sila nama’y walang magawa kundi sumunod lamang. Wala silang laban sa atin.


Hay, nakakalungkot talaga. Imbes na magdiwang ako nung pumasok ako sa zoo ay mas naramdaman ko ang lungkot dahil nakikita ko ang mga hayop na sanay malayang namumuhay sa labas, ay ito sila nakakulong sa mga ginawa-gawa nating mga kunwari ay mga gubat.


Kung ako lang masusunod, ipapalaya ko lahat ng hayop dun at hayaan na alng natin silang mamuhay ng malaya sa kagubatan na kung saan sila nabibilang. Ating silang igalang at irespeto. Pangalagaan natin sila at palayain.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Paarap ka pa sa akin...

matthew 6:25-34