Life in Manila (Part One)



Matagal-tagal na rin nung last akong nagkwento tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Hay, ayun ang daming nangyari, ang daming nagbago, ang daming lumipas at higit sa lahat pogi na ako (hahahaaha… wala pa rin nagbago dun).

Andito na pala ako ngayon sa Manila. Nagtratrabaho sa tabi-tabi, kung saan-saan lang ganun. Tapos, ito nakakapagod din pala, nakakalungkot, pero masaya parin ako kasi nga, masayahin talaga ako. Wala akong paki sa mga pangit na nangyayari sa buhay ko, wala akong paki kahit mahulog ang langit sa lupa, kahit manalo pa si Erap bilang president, kahit mamatay si Edward Cullens, kahit mas gwapo daw si Jacob sa kanya. Wala akong paki kung naghiwalay na si Angel Locsin at Luis, kahit pa may sampung anak na daw si Manny Pakyaw kay Krista, kahit si Aling Dionisia na daw ang papalit kay Kris Aquino sa SNN. Hay, ang importante dapat masaya ako.
Napag-usap na din lang naman natin ang kasiyahan, sige magkukuwento ako ng mga masasayang karanasan ko dito sa pagtira ko sa Manila.

Una, nung unang dating ko sa Manila. Nakituloy ako sa bahay ng aking Tita sa may Punta, Sta. Ana, Manila. Akala ko nung una maganda, masaya at komportable ang magiging buhay ko. Masaya naman kung Masaya, wala akong reklamo sa kanila pero pano ka mabubuhay sa isang lugar na parang tirahan ng daga (Mapangkutya na naman ako.), pano ka maglalakad sa mga kalye, eskinita kung puro tambay at mga nag-bibinggo ang humharang sayo. Pano ka matutulog sa gabi kung ang kapit bahay mo ay nag-rarambulan, may umiiyak na one hundred na bata, may nagvivideoke ng hanggang madaling araw, tapos may mga natitilihang bading sa labas na para bang gagahasahin sila ni Piolo Pascual. Sa mga kanal at estiro naman, kulang na lang e-declare ng baranggay na isa pala itong dump site. Yung mga tae ng aso at pusa, pati na rin tae ng tao ay nagkalat sa mga daanan, sa tabi ng bahay, sa silok ng mesa at kung saan-saan pa.(kajerks!!!)



Nung una talagang bonggang-bonggang adjustment ang kelangan kung gawin dahil ito ay isang katutuhanan at hindi ko maaring palitan ito o mag-inarte kung ayaw kung mapalayas. Napakalayo talaga ng Maynila sa probinsya, sa amin kasi puro puno, sa likod naming ay bukid, tas harapan bukid. Yung mga kapitbahay naming maingay rin pero may limitasyon, madumi rin ang kanal, pero hindi katulad dito, may mga nag-aaway din, pero isa o dalawa lang, dito 5 away per minute. Namiss ko tuloy ang probinsya.

Sa una ka lang mahihirapan, sa pagtira ko dito, natutunan kong maging malakas sa lahat ng bagay, maging mapagpasensya, pagtitiis at iba pa. Masarap ding mabuhay sa lugar na yun, lalo pa't nasanay narin ako sa baho at ingay. Masayang makinig ng mga nag-aaway, habang nakatago ka sa pader. Naka-thrill palang manoond ng riot na live. Nakaka-antok palang makinig ng mga lasing na kumakanta. Kelangan palang pangalagaan ang mga dagang kasing lagi ng aso, kasi nga daw endangered na sila. (hahahaha). Tapos yung mga ipis, parang ano lang yung mga yun normal na pet sa bahay. Tas yung mga bading sa labas, sana maging pipi na lang sila.hahaha.



Ganunpaman, masasabi ko paring naging masaya ako kahit ganun ang aking naranasan. Bawat sitwasyon at pangyayari sa ating buhay ay nakapagdudulot ng kasiyahan sa atin, kahit ito’y pangit, pero meron parin itong kontribusyon sa ating pagkakahubog bilang isang tao.

Abangan niyo na lang yung iba ko pang karanasan dito, sige lagi ko ng i-uupdate ang aking blog. Hehehe…

Sundan sa susunod na kabanata ang mga karanasan ko sa paghahanap ng trabaho, Masaya talaga yun..

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

ICT da' best!!!