Life in Manila (Part Two- Manila Zoo)

Nung sabado nagpunta ako sa manila zoo. Perstym kung magpunta dun at abot-abot langit ang aking kasiyahan habang pa-sway-sway pa ang aking mga kamay habang naglalakad papasok sa entrance ng zoo. Pauuwi na ako nun sa boarding haws galing sa binondo kung saan ako nagsimba(sa my Chinese temple.toinkz …..hahaha). Pangarap na yata ng lahat ng bata na makapamasyal sa manila zoo. Nung bata pa ako, yung mga kalaro kong mga bata ay laging kinukuwento sa akin yun experience nila sa pamamasyal sa manila zoo nay an. Eh ako naman sobrang naiingit kasi gusto ko din makakita ng giraffe(girape), elepante, mga kamag-anak ko , ibon, buwaya( na kamukha ng kapatid ko) tapos mga ahas, ganun. Naalala ko pa yung mga kuwento nila sa mga lion at tigers, mga zebra, deer at iba pa. Minsan nangarap din ako na pagdating ng panahon ay makaka-apak din ako sa lugar na yun at meron na rin akong maipagmamalaki sa aking mga kalaro, kaibigan at kaklase. Pero lumipas na ang mga panahon at araw, nakapagtapos na ako ng coll...