My dream B-Day...

Ano kaya ang pakiramdam na may handa ka sa
birthday mo? Ano kaya ang pakiramdam na
inaawitan ka ng happy birthday? At ano kaya
ang pakiramdam na ang lahat ay masaya dahil
sa sangkatutak mong handa na may isang
batyang spaghetti, sampung kilong pansit,
isang drum ng salad at bottomless drinks. Hay
naku kailan ko kaya mararanasan ang mga
bagay na to? Kailan din kaya ako magkakaroon
ng sangkatutak na handa at isang barangay
na bisita?

Di ko na iniisip ang bagay na to at nabubuwesit
lang ako dahil alam ko sa sarili ko na never
akong maghahanda ng engrande.
Napakalungkot mang isipin hindi ko pa
naranasang maghanda sa tanan ng buhay ko,
di ko pa naranasa ang inawitan, di ko pa
naramdaman ang kasiyahan ng may handa.

Inisip ko minsan na di bale hindi naman
nakakamtan sa mga materyal na bagay ang
tunay na kasiyahan kahit wala ako nito ay
nandun parin ang kasiyahan. Pero gumugulo
sa aking isipan na "what if nga meron akong
sangkatutak na handa!!!!" Eh...ano naman
ngayon ma- fu-fullfill ba nito ang napakatagal
ko ng kalungkutan. Parang sinakluban ng
mundo sa tuwing sumasapit ang ika 22 ng
Mayo taon-taon. Its just an ordinary day to me,
walang espesyal na pakiramdam, walang
bumabati(meron naman kung minsan pero pa-
joke pa nilang dinadaan), walang pagkain at
higit sa lahat walang regalo.

Halos wala lahat pero ang pampakalma ko sa
mga araw na ito ay iniisip ko na lang sa aking
imahinasyon na mamayang alas tres ay lalabas
ang isang buong litson na inorder pa sa Mila's
Lechon, sampung pirasong manok na mainit-nit
pa, sampung kilong pansit at spaghetti, ibat-
ibang klase ng salad na imported ang
kasangkapan, isang magandang venue na
kung saan pagdadausan ng party tapos sa
likod nito ay sisigaw ang lahat ng "SURPRISE!!
!!!" ako'y iiyak sa tuwa at ang lahat ng bisita
ay yayakapin ako at i-kokomfort at sasabihin
nila "You deserve to be surprised!","Nararapat
lang sayo ang kanitong ka-espesyal na
okasyon dahil ikaw ay may busilak na puso at
higit sa lahat mahal ka namin." huh..huh...At
dahil dyan mas lalong tutulo ang aking luha
dahil sa sobrang saya at dahil narin sa super
touching kuno na message. Ako'y magsasalita
ng pasasalamat na may patigil-tigil pa dahil sa
tuwa at medyo hirap pa sa paghinga.At
yayakapin ako ng aking mga magulang at
sasabihin nila sa kin na pinaghandaan nila ang
okasyung ito.(kaya siguro umabot ng 18 years
bago natapos ang plano...)Hahalikan ako sa
pisngi at ipapakita sa mga tao na mahal na
mahal nila ako.

After ng dramahan at introduction ng aking
party ay lalabas ang surprise guest na
talagang pinag-ipunan pa ng aking mga
magulang ang talent fee, walang iba kundi ang
ex-housemate na si Bianca GOnzales. Lahat ng
tao na nanonood ay magtitilian at isisigaw ang
pangalan niya. At magsasalita siya na siyang
ang mag-ho-host ng aking party at sasabihin
niya sa akin na she will make sure na ako'y
matutuwa at mag-eenjoy at mag-hold on lang
daw ako sa upuan ko dahil mas madami pa raw
sorpresa ang darating. Dahil sa mga nangyayri
mapapaisip ako kung panaginip ba ito o "Wish
ko lang". Sasabihin sa aking nanay na kurutin
ako baka nag-dedeliryo lang ako, pero
sasagutin niya ako ng totoo ang lahat.

Sa kalagitnaan ng party ay isa-isang tatawagin
ni Bianca ang mga high-school friends ko at isa-
isa rin silang mag-memesage of
encouragement sakin may mga mag-iiyakan
dahil sa sobrang touching daw ang message
nila, meron naman magkakatiyawan dahil sa
sobrang corny. Pero ako'y sobrang matutuwa
sa kanila at for sure iiyak naman kuno. Habang
ang lahat ay sarap na sarap sa handaan ay
tatawagin ni Bianca ang isang Representative
ng Redfox Company para ibigay ang regalo
nilang Redfox na Laptop. Lalaki ang mata ko sa
saya at walang masasambit kundi Thank you
GOd...Thank you God ng paulit-ulit. Pagkatapos
nito ay darating ang Presidente ng ating Bansa
para parangalan ako bilang isang mabuting
ehemplo at bibigyan niya ko ng full scholarship
sa UP Diliman. Sasabihin ko sa mga sandaling
iyon na wala na kong mahihiling pang iba pa.
Siyempre para maging kumpleto ang aking
dream party ay i-co-cover pa ito ng ABS-CBN at
ipalalabas sa buong Pilipinas at pati na rin sa
TFC. At ito na rin ang ipapanlaban nila sa
Birthday Party of the Year na documentation
laban sa ibang network. Ako'y e-interbiyuhin ng
mga nagsisiksikang mga media, nadun an rin
sina Boy Abunda, Lhar Santiago, Nina Corpuz,
Kris Aquino at Sharon Cuneta para malaman
ang aking nararamdaman at para ma-i feature
na rin sa kanilang programa.

Ako'y mas lalong matutuwa ng tatawagin ni
Bianca ang aking mga kapatid para
pasalamatan ako at sabihin na ko ang
pinakamabuting kuya sa buong universe. At
para maging maganda sa video ay
magyayakapan kaming limang magkakapatid.

Super layo na ng Dream Party ko....

At pang finale sa aking Birthday ko ay kakanta
sina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go,
Christian Bautista at Erik Santos( wag na yung
iba di ko sila trip). Magpapalakpakan ang lahat
dahil akalain mo ba naman magkakaroon ng
Champion's Showdown. Magbibiritan sila at sa
huli ay biglang lalabas si Regine Velasquez na
nakabitin pa, at kakantahin niya ang Butterfly
habang ako'y nasa gitna at papalapit siya sa
kin para kantahan.

At panghuli, para sa closing ng aking birthday
ay kakantahin ko ang "Go the Distance" ala
Micahel Bolton ang birit at sa dulo ng kanta ay
magkakaroon ng Fireworks display courtesy of
Enchanted Kingdom.

Wala na talaga akong mahihiling pa....

Tapos bigla na lang akong magigising sa
katotohanan na imahinasyon lang ang lahat. At
lahat ay babalik sa normal, walang handa,
walng message at walang mga artistang
nagkakantahan. At tapos na ang panaginip.

Minsan talaga kailangan nating mag-imagine
ng mga impossible para naman kahit papano
ay patakpan ang mga mamasasakit na
katotohanan. Pero, I'm still happy na hindi
magiging totoo ang dream Party ko dahil wala
dun ang mga ka-churchmate ko mas masaya
yata kapag andun sila no, with mixing prayers
pa.

Comments

  1. may kulang dun sa birthday mo.bisita si gloria.mag iispeech c gloria arroyo. tapos habang nag iispeech sya .here goes the punch.. may babaeng sumisigaw from the crowd...patalsikin c gloria! mandaraya! diktador!...at kung anu anu pa. tapos biglang tumahimik c gloria.at tinikom ang bibig. sabay tago ng ngiping nakausli. he he he. anu gagawin mo kung ganyan ang scene sa birthday mo?
    punta ka dun sa blog ko. click mo yang pic ko. may insecto dun na gustong mag pa interbyu...dalii.

    straum

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Paarap ka pa sa akin...

matthew 6:25-34