Life's changes

Hala! di mo talaga namamalayan ang panahon,parang kailan lang nang musmos pa lang ako at walang malay sa mga nangyayari sa buhay at kapaligiran pero heto na ako ngayon malaki na raw at meron na ring konting isip sa buhay at higit sa lahat meron na ring direksiyon at patutunguhan.

Nakakainis mang isipin pero matanda na nga ako lumipas na ang mga panahong dapat naglalaro na lang at nag-eenjoy sa buhay kasama ang mga kaibigan at kabarkada. Di ko rin man lubos matanggap na ako'y malapit nang lumagpas sa edad ng pagiging tunay na kabataan.(19 na po ako sa May 22)Sa buhay ko ngayon at sa edad ko nga dapat daw magseryoso na ako at kailangan ko nang e-establish ang magiging buhay ko sa near future. Minsan naiisip ko tuloy na bakit pa kailangang isipin ang ang hinaharap ni hindi pa nga naaayos ang kasalukuyan. Mas importante sa akin ang kasalukuyan kaisa hinaharap kasi nga lahat ng nangyayari sayo sa kasalukuyan ay ang magiging pundasyon ng iyong hinaharap. Kailangan ba talaga isipin ang mga bagay na to? Masakit mang harapin at tanggapin kailang talaga.Ayoko ng ipaliwanag kasi masyado ng gasgas ang ideyang ito. Iwan ko na lang kung may mga tao pang di pa naiintindihan yan.

Sa aming magkakapatid, super lungkot mang isipin wala sa apat kong kapatid ang nakikita kong medyo may patutunguhan man lang hehe..joke lang yun meron po naman...period...Bilang nakakatanda sa kanila wala akong choice kundi maging ehemplo at maging mabuting modelo, pero honestly feel ko di ako nagiging example sa kanila. Pero ginagawa ko naman lahat ng aking makakaya para kahit papano ay ma-inspire naman sila. Ang hirap talagang maging panganay at medyo nakakatanda na rin super dami ng responsibilidad at kailangang dapat ayusin.

Ngayon patuloy parin ako sa aking buhay sa tulong ng Diyos buti na lang nakilala ko bago pa mahuli ang lahat. Siya ang nagbibigay ng kalakasan at higit sa lahat pag-asa sa buhay na aking tinatahak.Bilang isang tunay na kabataan dapat maging ehemplo sa bawat pagkakataon, san man to mangyayri dapat go parin.

Ang buhay ay matuloy na nagbabago kung nung una ay pa-easy-easy lang dapat ngayon wag na masyado..hehehehe.Kailangan nating matanggap ang mga responsibilidad ng ating magiging matured na tao para na ring sa ating kabutihan. Wag na nating isipin pa ang katotohang tumatanda ang bawat tao.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Paarap ka pa sa akin...

matthew 6:25-34