Crossroads

Nasa sitwasyon ako ngayon kung saan kelangan kung desisyunan ang isang bagay na magdadala sa akin sa tamang patutunguhan. Nakikita ko ang aking sarili sa isang daanang punum-puno ng sanga-sangang mga daanan. May mga makitid, may mga sobrang lawak, may maikli, may mahaba at kung anu-ano pang klase ng daanan. May isang daan akong nakita, pinagmasdan ko ng maiigi, wala itong katapusan, nabakahaba......... hindi na maaninag ng aking mga mata ang hanggang ng daanang ito. Meron namang isang daan na sa dulo nito ay isang bangin, bangin maghuhulog sa iyo sa walang katapusang kadiliman. Kadilimang lalamun sa iyong ng buong-buo.
May mga boses na nagsusumigaw na sa daang ito ako tutungo, meron namang nagbubulungan na dapat daw dito ako.
Sa buhay ko madami akong mga plano, madami akong gustong gawin, madami akong mga pangarap. Pangarap sa sarili, sa aking pamilya at sa hinaharap ko. Madaming mga daanan na gusto kong tahakin ngunit ito ba talaga ang makakabuti sa akin, o mas makakasama pa.
Madaming mga pangarap at plano sa aking puso, ngunit sa huli ang plano pa rin ng Diyos ang siyang magtatagumpay. Dahil siya lamang ang mas nakakaalam kung ano talaga ang mas makakabuti sa akin at mga tao sa aking buhay. Ang mahalaga, mas magtiwala na lang tayo sa ating Diyos dahil alam ko namang napakaganda ng kanyang plano, ang pagligtas pa lang niya sa akin ay sapat na upang mabuhay ako ng mapayapa.
Comments
Post a Comment