Kailangan ko ng Ilaw!
Sabay ng pagbalot ng gabi, sarili’y unti-unting kinain ng dilim na nagmumula sa kaiwalan. Unti-unti nitong binabalot ng dilim ang bawat liwanag na pumapaibalot dito. Tumingin ako sa salimin upang mabanaag kung ano ang dapat gawin, ngunit isang dragon ang biglang nagpakita at kinain ako sa dilim na aking nagawa. Sumigaw ako ng pabulyaw upang ang dragon ay pumiglas, ngunit parang wala siyang narinig. Bagkus mas lalo ako nitong binalot ng dilim.
Ngayon, ako’y nasa hangin, papunta rito; papunta roon. Di alam kung ano ang dapat gawin. “Oh, hangin ‘san mo ako dadalhin, pakiusap ko lang wag sa dilim.” Ako ngayo’y patungo sa paroon, paroong di alam kung saan. Sana sa dulo nito liwanag ang siyang mabatid. Upang sarili’y makabalik sa liwanag na dati’y sa aki’y bumabatid.
Liwanag ang siyang nais makamit, dilim ko’y nais mawaglit. “Oh, liwanag ‘kaw ang siyang maghari nawa’y sa buhay kong pawaglit. Huwag mong hayaang ako’y balutin ng dilim na nagmumula sa kaiwalan. Pakiusap ko lang tulungan mo ang puso kong binabalot ng dilim, ang isipan kong puro dilim at ang sarili kong nasa dilim.” Alam kong di pa huli ang lahat, alam kong mapapagtagumpayan ko ang dilim na siyang sumusira sa aking sariling ilaw.
Ilaw! Ilaw! Ilaw! Kailangan ko ng ilaw! Ilaw na siyang liliwanag sa dilim na aking tinatahak. Kailangan ko ng ilaw! “Oh Panginoon, bigyan mo ako ng ilaw, liwangan mo ang aking buhay, upang dilim na nasa sarili ay kuminang at hayaan mo itong magliwanag sa mga binabalot ng dilim.”
Gawin mo akong ilaw sa dilim.
Huh…..huh……huh……huh…….luha’y bumuhos…….
Comments
Post a Comment