My 1 and onli TatAy
Nasa ispirito pa ako ng panaginip, nang biglang pumasok ang tatay ko sa medyo madilim kong kuarto. Kasama kong natulog dun ang aking bunsong kapatid, pinsan at si Nanay, na pinilit makipagsiksikan sa loob para lamang makatikim ng electric fan. Nakakatawang isipin dahil siksikan kami sa loob at halos di na sila makagalaw, pero ako, mag-isa ko sa kama, sila sa baba sila lahat. ( Supremo ako).
Pumasok siya at biglang tumabi sa kapatid ko at niyakap ito......
Dahil Father's Day bukas, sa kanya ko iaalay ang post kong ito ngayon. Para suklihan din kahit papaano ang pagmamahal na inalay niya. (Meron ba ????)
Nung bata ako, maliit pa ako nun (obvious ba!!!) di ko alam na siya pala ang tatay ko(siyempre wala pa ako malay) nalaman ko na lang nung mga 4 ako siguro. ( may malay na ako nun) Sa pagkakaalala ko nung bata ako, lagi akong iniiwan ng tatay ko sa lahat ng pinupuntahan namin. Lagi na lang akong naiiwang ngumunguwa at naghahanap sa kanya. Para akong isang basang sisiw na naghahanap ng ina. Ayaw na ayaw ko yung pakiramdam nang iniiwan, yung pakiramdam na lahat ng tao ay strangers, di mo sila kilala, takot kang kausapin sila dahil baka lang kung anong sabihin nila at mas malala pa dun baka kidnappin ka pa. Ilang beses na itong nangyari sa akin nung bata ako buti na lang lagi din akong nahahanap ng aking Itay. At kagaya din ng isang basang sisiw na nahanap ang ina, agad ko syang niyayakap at ang takot na nararamdam ay biglang nawawala.
Si Tatay ay pasaway, kung ikukumpara mo siya sa ibang Ama baka ang conclusion mo lang sa huli ay "Isa siyang Abnoy!!!!" Madami siya kakaibang ginagawa na di normal sa ibang Ama, madami siyang kalukuhang di mo alam kung maiinis ka o matatawa. Ayoko ng isa-isahin ang mga yun dahil baka abutin ako ng pito-pito sa pagsusulat. Di man nakapagtapos ng pag-aaral si Itay, naturuan naman niya kami ng maayos sa aming pag-aaral, lalo na ako siya ang nagturo sa aking magsulat at magbasa, kakaiba yung way niya ng pagtuturo, nakakatawa at nakaka-excite dahil yung mga letters kinukumpara niya sa mga bagay para raw mas madali kong matandaan pag-ipapaulit niya ito sa akin. At effective naman, yung "r" ay palay, yung "b" buntis at yung "s" ahas; di ba effective, interactive pa ang aming klase.(hehehehehe). Dalawa ang propesyon niya(sosyal), lagi kong sinusulat ang kanyang "occupation" ng may pagmamalaki na siya ay isang 'Karpentero at Magsasaka', yan dalawa ang trabaho, pero ngayon tambay siya mga ilang taon na.(JOKE,,, Peace on Earth!!!!) Kung gawaing babae din lang naman ang pag-uusapan ilalaban ko ang tatay ko dyan, marunong siyang maglaba, magsampay, magluto, mag-alaga ng bata at higit sa lahat mag-tsismis.(hindi totoo yung last) Hanggang ngayon tatay ko parin ang naglalaba sa bahay "pag wala si nanay", most of the time wala si nanay. Kahit inis na inis ako sa sampay ng tatay ko dahil walang pakialam ito kung anong itsura nito sa sampayan basta daw matuyo, na-aappreciate ko naman ito, nakikita ko sa kanya na di siya napipilitang magtrabaho, yun na yung best niya. (hehehehe)
Kagaya din ng ibang Ama may mga weaknesses din ang tatay ko, kakambal na niya ang pagsusugal. Most of the time, sinesermunan ko siya dahil dito, pero most of the time rin di siya nakikinig. Prayer na lang ang kaya kung gawin dun.(Mag-intercede naman kayo) Buti na lang mahirap kami, dahil most of the time wala din siyan maisugal.
Malambing si tatay, nung bata ako lagi niya kaming niyayakap bago matulog, at ang gustong-gusto ko sa kanya ay bago kami matulog minamasahe niya muna kaming lahat para daw bumalik yung nawalang lakas namin sa paglalaro at pagkatapos nun nag-kukuwento siya ng sarili niyang version ng kung anu-anong kuwento. At dahil dun masaya kaming makakatulog.
Pagkatapos niya yakapin ang kapatid ko, tumabi naman siya sa nanay ko na katabi lang din ng kapatid, niyakap din ito at hinalikan kahit di pa nakapagmumug si Nanay. Tas, tumayo siya, patungo sa aking kama at nakihiga din dun, kagaya din ng ginawa niya sa kapatid ko at nanay, niyakap rin niya ako na parang bata, kahit kakornihan na ang nararamdaman ko, ramdam ko naman ang yakap ng pagmamahal ng isang ama. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya akong ng palayakap na Ama, na mahirap ng hagilapin ngayon.
"Salamat sa pagmamahal at pag-aaruga."
Happy Father's Day!!!!

Comments
Post a Comment