Well, mother's day na naman....

Hindi ako yung klase ng tao na masyadong emosyunal at ganun ka expressive sa nararamdaman o sa relasyon ko sa isang tao. Ayaw ko ng mga madamdamin scene, mas lalong ayaw ko ng mga senaryong nagyayakapan at nag-iiyak. Di ko ma-imagine ang sarili ko na ma-involve sa ganung senaryo. Minsan tuloy natatanong ko sa aking sarili kung normal ba ako o sadyang manhid o kaya di lang kasi siguro ganun ka affectionate ang kinalakihan kung pamilya o di lang ako naturuang maging ganun.

Well, mother's day na naman. Madami na namang mga eksenang katulad ng aking binanggit. Manood ka ng TV, puro ganun ang tema ngayon ng mga talk shows, mga nanay at anak. Nagsasabihan ng message, nagsasabihan ng kung ano-anong kaik-ikan na di naman nangyayari sa totoong buhay at higit sa lahat lumuluha habang kinakausap ang ina ng harapan.

Well, mother's day na naman. Pano kaya kung gawin ko din ang mga ginagawa ng ibang mga anak sa kanilang ina. Yung tipo bang, paggising nya palang ng umaga ay lumuluha na sya sa sobrang saya dahil sa unang pagkakataon sa loob ng 20 years niyakap siya ng kanyang panganay na anak...( Kakilabot!!!!), yung tipong, sasabihin mo sa kanya ng may sincerity ang katagang "I LOVE YOU", yung tipong, i-di-date mo siya sa mamahaling restaurant at ipag-shoshopping ng kanyang paboritong palda. Isipin ko palang ang mga yan, kinikilabutan na ako..hehehehe... nagtataka na talaga ako sa sarili ko dahil may mga bagay na ginagawa ng ibang tao ng normal pero kapag ako na yung gumawa parang may mali. Kagaya niyan, di ko man lang mayakap yung nanay ko, kasi siguro nahihiya ako o di lang sanay, whatever... Pero in fairness naman sa nanay ko, wala akong problema sa kanya kasi matino siyang nanay di kagaya ng ibang nanay na napapanood ko sa TV na kulang na lang itapon sa impeyerno ang kanilang sariling anak.

Well, mother's day na naman. Sana sa pagkakataong ito masabi ko na rin sa kanya na mahal na mahal ko, at sana sa pagkakataong ito mayakap ko na rin siya ng walang nararamdamang ka-kornihan. " Nay, luv u ha..." at " Salamat na rin....jowk" "corny ko talaga sensya na kayo."

Well, mother's day na naman.

Comments

Popular posts from this blog

Bakit nga ba ako nag-I.C.T.?????

Paarap ka pa sa akin...

matthew 6:25-34