REwind...
Madilim na ang paligid ng kuwarto ko pinatay ko na kasi ang flourescent lamp na lumiliwanag dito. Tumakbo ako papunta sa aking kama at agad nahiga.....sa pagkakahiga ko biglang nag-isip ako ng malalim tungkol sa buhay ko....ang dami na palang pinagbago, ang dami ng mga pangyayaring lumagpas lang ng lumagpas, ang daming nakaraang gustong-gustong balikan pero kahit pa tumihaya at magtatatalon di na maibabalik pa ang mga panahong nasayang.
Seryoso na sana ang lahat ng bigla kong naisip na ano kaya ang gagawin ko kung pagkagising ko kina-umagahan ay June 7, 2004 at yun ang araw ng unang pasukan sa Senior year ko...whaaaa... Siguro ang isa sa mga problemang haharapin ko ay ang mga damit ko nung mga panahong ito.... ayoko ng isuot ang 8 year old kong sapatos at 10 year old na pantalon....maluluha sa inis dahil bumalik na naman ang bangungot ng sinumpaang damit.
Ano kaya ang gagawin ko?????
Pagpasok ko sa Klase, sisigaw ako ng malakas na malakas at sasabihing hindi na ako si MONTZ na nakilala nila ng tatlong taon... At natitiyak ko na mas matalino na ako sa aming Valedictorian at alam ko na ang ibig sabihin ng Postulate, derivative, Phytagorean Theorem at higit sa lahat kaya ko ng manumanuhin ang logarithmic ng lahat ng numero. Ipagyayabang ko rin sa kanila na kayang-kaya ko ng mag-program sa C++, Java, Foxpro,ASP.net, HTML,XML, at kung anu-ano pang mga Prolang... sigurado akong ma-iingit sa akin ang mga klasmeyt ko at maglalakihan ang mga mata nila dahil si MONTZ na di marunong mag-add at mag-minus ng Negative integer ay biglang magiging henyo sa mga Numero....At naririnig-rinig ko na ang adviser namin ay sasabihin sa akin na "I'm an exceptional genius!!!!!"
Sa mga nakikinita ko sa aking pagbabalik sa nakaraan malamang ako na ang "next superstar".. Ipinanganak na ang tatalo kay Ogie Alcasid sa pag-co-compose ng mga kanta dahil pasisikatin ko ang kantang "hawak kamay" na siyang magiging sandata ko para makapasok sa Music Industry at sa Mundo ng mga Nagsisikatang artista. At natitiyak ko ding mawawalang ng career si Gary Valenciano dahil ako na ang kakanta ng mga theme song sa mga movie ng Star Cinema....(SOsyal Big Star agad)....
Mag-iiyakan din ang mga sikat na astrologist...lalo na si Madam Auring dahil mahuhulaan kong mamamatay si Fernanado Poe Jr., at si GMA ang manalo sa election. At mabubuntis si Kris Aquino at ang Ama ay walang iba kundi si James Yap.... (Napakalaking kontrobersya yan pag-nagkataon) dahil for sure pag-aagawan ako ng mga talk shows. Babantaan ko ang mga tao,lalo na ang mga taga-Quezon na magkakaroon ng isang super Typoon na sisisra sa mga kabuhayan nila....tutulong ako sa iba't ibang organisasyon para masugpo ang pinagtataguan ng mga Drug Pushers. Pagkatatapos maluklok ni GMA sa puwesto ay agad kong ilalabas ang Hello Garci Controversy, ipagsasabi ko na nandaya si GMA pero siya ay magsasabi ng "I am Sorry"... whaaaaa.... at natitityak ko ring madaming magbabanta sa aking buhay....Kaya mas maigi na lang na quite na ako dun.....(Erase na ang sitwasyong ito....)
Gumalaw ako konti paharap sa aming ceilling at nakita ko ang transluscent na yero namin. Nalala ko tuloy ang mga kabarkada ko nung high school na sina Aileen, Gem, Jameson at Rio...(di ko makita ang connection nila sa bubungan).. Sila ang mga ka-tropa ko sa lahat ng kabastusang pag-iisip, mga iba't-ibang ideya tungkol sa pang-aapi sa mga kinaiinisan namin. Nag-isip ako ng malalim kung sasabihin ko kay Aileen na meron din palang gusto ang kanyang pinakamamahal na Crush. Pero mas pinag-isipan ko, kung sasabihin kong katawan lang niya ang inaasam-asam nito. ........Ngumiti na lang ako at sinabi sa akin isipan na mas exciting kung di ko mapipigilan ang breastfeeding scandal.(whaaaa....joke!!!!!).... Pero mas malaki ang problema ko, matutuwa pa kaya sila pagsinabi kong "I'm Attending a Church na!!!!!", isa lang ang natitiyak kong magiging reaksyon nila....."Buti di ka Nasunog!!!!"(wha!!!!!)Actually bakit kaya di ako nasunog????
Actually, ang dami pang mga pangyayari ang gustong balikan at iwasto pero yung iba ayoko ng e-rewind kasi masyadong maikli ang buong gabi para isipin ko pa silang lahat. Pagbukas ng mga mata ko bigla na lang akong tumawa....di ko rin alam kong bakit.... siguro manifestation nanaman ito ng pagiging abnoy ko...
May mga pagkakataon na may mga bagay tayong gustong gawin pero sila'y nasa nakaraan at wala na tayong magagawa kundi mangarap na lang ng gising at lumangoy sa sariling imahenasyon. Ang importante sa huli ay kung paano natin haharapin ang bagong umagang darating kinabukasan. Bukas na kailangan nating disesyunan kung saan tayo patutungo "Sa kanan ba o sa kaliwa?"
nice wan, saya mo cguro ka kwentuhan sa skul... sana maging close tayo para makilala q yang fren mong c Aileen! hehehehe!
ReplyDelete