Room 107
Sa kailaliman ng gabi, isang pamilyar na tunog ang umaalingawngaw sa madilim na kwarto katapat ng kwartong aking tinutuluyan. Patay na lahat ng ilaw, at tanging ilaw na lamang na naggagaling sa isang lamparang nasa ibabaw ng mesa sa may kusina. Patuloy parin sa pag-alingawngaw ang isang tunog na parang hirap na hirap, isang tunog na nanggagaling sa ilalim ng puso, tunog ng isang nasaktan ng labis, isang tunog ng pangungulila. Nais ko sanang tumayo at pasukin ang silid na iyon ngunit takot ang nanaig sa aking pakiramdam, kaya hinayaan ko na lamang na magpatuloy ito kahit na alam ko at ng ibang kasamahan namin na ito'y isang abala sa lahat ng tahimik na ang mundo. Isang linggo pa lamang mula ng lumipat ang bago naming boardmate. Sa pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang tipo ng lalaki na parang walang humpay kung tumawa at magpakasaya. Maganda ang disposisyon niya sa buhay, lagi siyang nakangiti sa tuwing makakasalubong mo siya sa labas ng kwarto. Wala pa akong masyadong alam sa kanya...